❤Stacey's POV❤
Pagkarating namin sa Classroom, umupo na ako sa aking upuan at nagsimula na akong inumin yung binili ko. Ramdam na ramdam ko ang mga titig saakin. Kaya nilingon ko sila. Nandoon padin ang pagtataka sa mukha nila kung bakit ako pumayag.
Ngayon kami mag prepresent kaya may iba saamin ang hindi na bumaba para bumili nang snacks para makapaghanda sila sa sosootin.Mabilis naming tinapos ang kinakain namin at tyaka nagbihis. Kami ang pangalawang grupo na mag pre presenta kaya naghanda na kami.
Inilagay namin ang mga upuan sa gilid nang Classroom para sa gitna kami mag pre presenta at para narin malaki ang espasyo.
Dumating si Maam Lavidez at umupo.
"Okay Class let's Start." simpleng sabi ni Maam.
Ang unang grupo na nag presinta ay tungkol sa isang babae na taga bukid.
Binubuhay siya nang kanyang lola at lolo. Sapat ang kanilang lupain para maka ani. Isang araw may dumating na lalaki galing sa ibang bansa. Nang
Ang lalaking ito ay mayaman at sobrang gwapo. Pero pangit ang ugali.Sobrang tamad nito at suplado.
Nang nakita niya dalaga na nag sasaka sa bukid ay naawa siya. Lalapit na sana siya sa dalaga pero dahil maputik at mahirap lakaran. Nawala siya sa balanse at nadapa. Ang kaniyang puting t-shirt at maong na jeans ay naputikan pati narin ang kanyang sapatos. Sumigaw siya sa galit. Dinaluhan siya nang lola at lolo nang dalaga at tinulangan. Pinatayo siya nito at pina upo sa kamalig. Tinanong siya nito kung okay lang ba siya. Tumango siya. Pero nang narinig niya ang malakas na tawa nang dalaga ay bigla siyang nainis. Pero nang tinitigan niya ang magandang mukha nito ay humupa ang kanyang galit at napalitan nang pagkamangha.
Papalapit nang papalapit ang dalaga kung saan siya. Hindi na siya makahinga sa sobrang kaba. Nang tiningnan siya nang babae sa mata ay parang gusto nang lumabas nang puso niya sa sobrang pagkalabog. Tinanong siya nang babae habang nakangisi kung okay lang ba siya. Hindi ito nakasagot sa halip bumalik ito (kuyari) sa sasakyan niya at doon hinawakan ang dibdib na tila hindi maka hinga. Sa susunod na (kunyari) na araw pumunta siya kung saan ang dalaga sinusundan niya ito at palihim na inaalam kung ano ang mga gusto nang dalaga at ayaw nito. Napag alaman niya na ayaw nang dalaga ng Suplado, maarte, tamad at pangit ang ugali.
Unti unti niyang binago ang sarili niya dahil sa dalaga. Isang araw nagkaroon nang lakas nang loob ang lalaki na sabihin ang kanyang nararamdaman. Tinawag niya ang babae gamit ang palayaw nito sakanya. Paglingon nang babae hindi siya makahinga nang maayos, pero sinubukan niyang kalmahin ang sarili. Pero nang lumapit na ang babae ay mas lumakas ang kalabog nang dubdib niya. Tinanong niya ito kung may Boyfriend ba ang dalaga."Hindi mo ba nalaman ang sagot niyan habang sinosundan mo ako nang ilang linggo?" tanong nang dalaga.
Nagulat ang lalaki sa sagot nang dalaga. Alam nang lalaki na walang Boyfriend ang Dalaga pero gusto niya lang maka sigurado, malay mo may ka text sa ibang bansa. Ngumisi ang babae dahilan kung bakit nag iwas nang tingin ang binata. "Wala ako Boyfriend." ang dalaga.
" Pero kung tatanongin mo ako kung sasagotin ba kita ngayon? Oo ang sagot ko. Hinihintay lang kitang magtanong."
Mas lalong nagulat ang Binata kaya tiningnan niya ang dalaga. Tinanong niya ito kung pwede bang maging sila. Sinagot siya nang babaeng ng OO. "Nalaman ko kay lolo at lola na tinulungan mo daw silang magsaka.
Sinabi din nila saakin na palagi kang tanong nang taning tungkol saakin. Bata palang ako gusto na kita. Ako yung bata na tinulungan mong mag buhat nang sako at nilagay sa kamalig." niyakap nang Binata ang Dalaga."Simula nung tinolangan mo ako ay hindi kana mawala sa aking isip. Ikaw unang lalaking ginusto ko."Doon natapos ang Role Play nang group one.
"Kaya kang baguhin nang Pag-ibig. Tulad nang ginawa nang binata. Nag bago siya dahil nalaman niya ang gustong katangian nang dalaga. Ito ang tunay na pag-ibig dahil gagawin mo ang lahat para sakanya." sabi nang narrator nang group one.

BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...