♥️Stacey's POV♥️
Tumingin siya saakin nang sabihin niya yun, iba siguro ang tinutukoy ng baklang to.
Umabot ng tanghali ang paglilista namin dahil sa dami ng gustong makakita ng mga skills namin. Gutom na din ako kaya nagpaalam muna ako na bibili nang pagkain, tinanong ko si Yuna kung kumain na ba sila pero ang tanging sagot niya lang ay...
"Mamaya na siguro naaaliw pa ako sa mga freshmen."
Tumango lang ako at binalik ang Ribbon sa lalagyan. Napansin ko ang titig saakin ng lalakeng ka partner ko raw,
"Are you hungry?" Tanong niya saakin habang nag liligpit.
"Halata ba?" Sarkastiko kong tanong pabalik.
Halatang nagulat siya sa inasal ko. Tumalikod na lamang ako at pumunta sa gawi ni Zedrix. Akala ko ako ang tinititigan niya ng mariin, nang mamalapit ako ay yung lalake palang kumausap sakin kanina. Pinagkunutan ko siya ng noo ng makalapit ako.
"Anong ginagawa mo?"
"H-Huh?" Parang ngayon lang niya ako napansin.
"May gusto ko dun?" Sabi ko sabay turo sa lalake.
"A-Ano bang s-sinabi mo!?" Aniya.
"Gusto mo yun noh, hindi mo kasi tinanggal ang titig mo sakanya kahit nasa harap mo na ako." Umirap ako. "Bakla talaga." Hininaan ko yun.
"Ano bang sinasabi mo?" Galit na tanong.
"Gutom na ako kaya aalis mo na ako para kumain."
"Sama ako!" Aniya.
"Ayusin mo nga yang pananalita mo! Hindi bagay sayo!"
Nag iwas siya ng tingin at ngumuso.
Iniwan ko siya roon at pumunta sa mga Taekwondo. Naroon si Minmin kaya kailangan ko pa siyang tanongin kung nagugutom na ba siya.
"Hoy." Tawag ko sa kambal.
Nagulat pa siya dahil sa presensya ko.
"A-Ano?" Aniya.
"Gutom ka na?" Tanong ko.
Umiling siya at ngumiti.
"Bakit gutom na ang Rinrin ko?" Malambing niyang sabi.
Naduwal ako sa sinabi niya. Eww yucks ang pangit, hindi bagay.
Sinamaan niya ako ng tingin. Sumunod si Zedrix saakin at nang masulyapan ko siya ay kinakausap niya sina Andrey. Busy lahat ng Athletes ngayon pero nang makita ako ay tumigil saglit para tignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi naman sa pilingera pero yun talaga ang napansin ko.
"Bilhan kita Rin?" Si Minmin.
Umiling ako.
"Dito ka nalang."
Lumapit si Zedrix saakin nang makita hindi na kami nag uusap ni Minmin. Nauna parin ako sa paglalakad syempre. Tuwing may nadadaanan kaming mga babae ay palihim itong tumitili.
Sa malapit na karindirya ko piniling kumain. Wala akong badget ngayon kaya dito ako kakain. Kitang kita ko ring na medyo nagtaka si Zedrix kung bakit kami narito. Sa huli umupo na lamang siya sa harap ko.
"Wala akong badget kaya dito ako kakain." Sabi ko.
Tumango siya at kinuha ang pitaka sa bulsa. Makapal ito kaya halatang maraming laman.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...