Chapter 19- Help

123 11 0
                                    

♥️Stacey's POV♥️

Huwebes ng gabi naglakad lakad ako sa daan.

8:13pm.

Kailangan kong magpalamig. Sobrang layo na ng narating ko. Hindi ko na alam kong saan ako pupunta. Tumigil ako saglit at hinawakan ang aking dibdib.

Bakit masakit?

Ang bigat ng nararamdaman ko.

Kanina nang umuwi ako ay bigla nalang akong nakaramdam ng sakit. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

What's Wrong With Me?

Okay naman ako buong araw, may bumabagabag lang saakin. Sumasakit ang puso ko at hindi alam kong paano ilabas ang sakit na ito. Dala dala ko ang Cellphone ko sa paglalakad.

Nag desisyon akong tumakbo na lamang.

Walang tumutulong luha saaking mga mata pero para na akong pinapatay sa loob. Naka soot lang ako ng pambahay ngayon. Pajama at itim na t-shirt, naka braid ang buhok ko pero may takas paring buhok.

Gusto kong maiyak sa sakit pero hindi ko talaga magawa. Anong bang nangyayari?

Nang igala ko ang paningin ko ay nandito na ako sa isang masukal na kagubatan. Gumapang ang kaba at inis ko sa aking sarili. Nagpadala ako sa aking emosyon kaya ako dinala ng aking mga paa rito.
Kinakabahan ako dahil wala akong ilaw na nakikita.
Tanging Buwan lang ang nagsisilbing liwanag saakin daan.

May nakita ako bangin kaya nag desisyon akong pumunta rito. Makikita rito ang buong syudad ng Cagayan De Oro. Napangiti ako kahit papaano sa aking nakita. Nangangati na aking braso dahil sa mga damong dumadapo rito. May jacket akong tinali sa baywang ko kaya kinuha ko ito.

Siguradong nag aalala na si manang saakin. Hindi ko alam kung paano ako uuwi.

Mabilis kasi akong tumakbo kaya ako nakarating dito sa malayo.

"What's!"

"Wrong!"

"With!"

"Me!"

Sigaw ko. I feel better after shouting. Hindi ko alam kung hanggang dito ay may sumusunod saakin. Mas inaalala ko ang nararamdaman ko dahil hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Biglang tumunog ang aking Cellphone kaya binalingan ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang may maraming Miss Calls doon. Nakita ko din ang number ni Manong roon kaya nag tipa ako ng mensahe para sakanya.

Ako kay Manong:

Uuwi din po ako.

Hindi ko din naman alam kong nasaan ako, kaya wala din akong mabibigay na lugar kay maning kung saan niya ako susundoin. Binuksan ko ang mensaheng galing kay Dylan.

Dylan:

Cat nandito ang kapatid mo sa Cagayan De Oro! Hindi ko alam kong saan sa lugar na ito pero sigurado akong nandito siya.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Umawang ang bibig ko. Ang sabi ni Dylan saakin ay nandito daw ang kapatid kong si Siri. Malapit lang siya saamin! Nagtataka ako. Nandito siya sa Cagayan De Oro?

Biniba ko ang Cellphone at tiningala ang Buwan.
Napakabilod nito. Pinalilibutan siya ng mga bituin.

Ngumiti ako sa kawalan.

Sometimes, life will kick you around, but sooner or later, you realize you're not just a survivor. You're a warrior, and you're stronger than anything life throws your way.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon