Mag u-update nalang ako Charibunes baka kasi mawalan kayo ng ganang magbasa kung papatagalin ko pa. Marami ding pumasok sa utak kong ideas kaya heto ako ngayon nag update na.
Please e support niyo rin po si Rajeanthetarget rose_novie Shayanzii sa mga stories na sinulat nila♥️
Please... e vote niyo ang lahat ng chapters na sinulat ko🥺
♥️Stacey's POV♥️
Nang matapos ang sabado at linggo ay naghanda na kaagadad ako kagabi palang ng mga gamit na sosootin ko mamaya. Alas kwatro na ngayon ng madaling araw at balak kong mag yoga ng limang minuto para kahit papaano hindi magulat ang katawan ko sa mga gagawin ko mamayang rampa.
Kahapon whole day kaming nag praktis ni Sunshine sa bahay nila Ruby. Kahit sumasakit na ang paa ko hindi ako nag reklamo dahil hindi ko naman gawain yun.
Nalaman ko rin na kaya pala wala si Minmin nung sabado sa bahay ay dahil nagpunta siya sa bahay nila Yuna para mag advance study. Hindi narin daw siya nag paalam dahil alam niyang abala ako. Hindi ko na rin siya pinagalitan dahil tamad akong magsalita.
Marami akong dadalhin ngayon kaya sinabihan ko si Dylan na samahan ako papasok sa campus. Si Kai ang partner ko pero parang wala naman siyang kwenta dahil hindi ko man lang siya nakasama kahit sa isang practice lang.
Nag-usap kami kagabi at ang sabi niya may sosootin na raw siya at alam na niya ang gagawin pag nasa harap na kami ng maraming tao. Medyo nainis lang ako dahil parang wala siyang pakealam, matataas ang expectation ng mga tao samin kaya hindi namin sila pwedeng biguin.
Sinabihan na ako ni Ma'am Belarmino na kailangan kung pumunta roon ng maaga. Sinabihan ko na rin kagabi si Manang na maghanda ng maaga. Si Minmin alam niya na ang gagawin niya kaya hindi ko na siya kailangan pagsabihan.
Nang matapos akong mag Yoga ay niligpit ko ang mat at nagtungo sa banyo para maligo na. Binilisan ko ang kilos ko dahil ayokong mahuli sa pagdating roon. Pati mga kaklase ko sobrang suportive nila samin ni Kai. Gumawa pa sila ng banner at nag pa tarp pa sila.
Medyo natuwa ako sa ginawa nila dahil pakiramdam ko hindi lang pala ako ang gustong manalo rito.
Nagbihis ako ng puro black attire. Binlower ko din ang buhok ko para pagdating dun aayusan nalang ako ni Jeremiah. Tinawagan niya na rin ako kagabi at sinabing sobrang excited niya na raw para bukas. Binati niya ako at nag cheer narin siya.
Mas excited pa siya sakin.
Hindi ako nakaramdam ng kaba sa kompetesyon. Kayang kaya kong manalo kahit walang sumosuporta sakin.
Pero nang maalala ko ang mga titig ni Zedrix ay napapapikit ako ng mariin dahil sa hiya at kaba. Kung manonood siya dapat hindi ko siya makita, kung di naka madapa ako at matalo.
Nang binuksan ko ang binigay na paper bag ni Zedrix ay medyo kumirot ang puso ko. Yung hair clip na tinignan ko sa store ay binili niya. Same design sa binigay niyang singsing. Nilagay ko ito sa aking bulsa at bumaba na.
1 week ang Intramurals kaya hindi na kami pinadala ni Ma'am Belarmino ng gamit para sa school. Wala rin kaming Training sa mga araw na yan kaya pupunta lang talaga kami sa school para makisaya at makilaro. Sinabi rin kasi niya na isasabay daw ang Foundation dat sa Intramurals kaya may nga booth daw.
Hindi ko alam kung anong gagawin diyan pero sa tingin ko malalaman ko yan sa mga susunod na araw. Sinandya na Monday ang pageant para sa apat na araw na matitira ay magsasaya nalang kami.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...