♥️Yuna's POV♥️
Ang boring.
Pagod na pagod ako kakaturo sa labing dalawang beginners. Hayst Huhu. Feeling ko magkakadakit na talaga ako nito. Inaabuso ko yung sarili ko kakaturo.
"Meise point your feet!" Sigaw ko.
Gusto ko ng matulog ng mahimbing at gigising lang para kumain.
Pero malabong mangyari yum dahil malapit na ang Intramurals. Nakakapagod pakinggan na pagkatapos nitong training ay uuwi ako para magbasa ng libro at mag study para sa quiz bukas.
Biglang pumasok sa isip ko yung Darryl. Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang siyang naisip. Matagal tagal na rin simula nung makita ko siya. Ilang taon na kaya yun??
Kung maghaharap ulit kami kaya ko ba? Last time nung nagkita kami ay napahiya ako dahil sa muta! Hahays kadiri. Gusto kong kainin nalang ng lupa tuwing naaalala ko ang masalimuot na pangyayaring iyon.
"Mag practice ka ng stag leap Sofie!" Sigaw ko.
Tumango siya.
Hindi ko makalimutan ang mukha ng Darryl na yun. Kung ikukumpara ko siya kay Stanlee, mas may itsura talaga si Darryl para sakin. Pabago bago na naman ang nararamdam ko.
Nagpunta ako sa aking bag at uminom ng tubig."Water break na muna kayo."
Nagsitanguan silang lahat.
"Bea pahingi!" Sigaw ni Lia.
Bahagya akong natawa sa kanilang dalawa dahil sa paghahabulan.
Kinakabahan ako sa quiz para bukas. Kakayanin ko ba? Palagi akong tinuturuan ni Stanlee tuwing nahihirapan ako sa isang topic, magaling din siyang magturo kaya madalinkong naiintindihan. Nag improve na din ang grades ko pero hindi pa din ako pinupuri ni Daddy. Minsan nga gusto ko nalang maiyak sa disappointment dahil sa trato niya sakin.
Si mommy lang siguro ang proud sakin at tumatalon talon sa tuwa dahil sa mga na achieve ko. It hurts pero kailangan ko nang tanggapin yun dahil kahit siguro maging matalino ako ay hindi hindi niya ako pupurihin.
Nang matapos ang training namin ay naghanda na ako para umalis. Gaya ng parati kong nararamdamn tuwing uuwi na ay excited na ako! Gusto ko ng matulog at magpahinga. Na i-imagine ko pa ang kumot na nakayakap sakin.
"Okay ka lang Yuna?" Tanong ni Ian sabay akbay sakin.
Tumango ako. "Kayo? Mukhang pagod na pagod kayo ngayon ah?"
"Araw araw na daw kaming mag spa-sparring." Si Andrey. Ginulo niya ang buhok ko at nginitian ako.
"So araw-araw kayong matamlay niyan?" Malungkot kong sinabi.
"Baka nga hays." Si Edriel. "May beginner pa kaming tuturuan tapos mag spa-sparring pa kami pagkatapos." Matamlay na aniya.
Tumango ako at ngumiti. "Gusto niyo rin bang makita kung pano lumakad si Stacey?" Nag evil smile ako.
Nasaakin ang lahat ng paningin nila ngayon at gaya ko ay may multong ngiti sa kanilang labi.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...