♥️Stacey's POV♥️
Nang matapos ang klase namin ay naghanda na agad kami sa pag-alis. Pupunta kami ng Canteen ngayon para doon mag lunch. Naghihintay narin sina Shay at Ruby sa Ground floor kaya mas lalong nagmamadali si Andrey sa pagliligpit. Halatang may namamagitan na sakanila kaya hindi na ako magtataka. Panay din ang tukso nina Ian sakanya dahil sa pagmamadali.
Kaninang umaga...
Hindi ko akalain na nandito pala yung lalake yun dito sa Philippines. Wala pa akong pinagsabihan dahil gusto kong ako mismo ang mag resolba ng mga problema namin. Mas lalo lang mag aalala si Mommy kong magsusumbong ako sa nakita ko, kung sasabihin ko naman kay Minmin ay baka utusan niya si Dorothy na hanapin yung tarantadong yun. Kailangan kong manahimik, kung sa ibang pagkakataon yun ay sigurado akong sira na yung mukha ng lalakeng yun, pero sa ngayon may kailangan pa akong gawin. Hindi ko alam kong sasabihin ko ba kay Dylan o esekreto nalang, malaki ang tiwala ko sakanya pero sa tingin ko kailangan kong sarilihin ang problema.
Kung maraming makaka alam ay marami rin ang mapapahamak. Binantaan ako ng Jethro na yun, pero hindi man lang ako natakot para sa sarili ko, mas natakot ako sa mga idadamay niya kung sakaling magsasalita ako sa pagpapakita niya sakin.
I'm just sixteen, pero nararanasan ko na ang ganito kalaking problema.
Hinintay nila akong matapos sa pagliligpit, nakatingin lang sila saakin na tila naghihintay kung kailan ako matatapos. Nag take notes ako sa lahat ng gagawin ko ngayon araw nato. Maraming assignment na binigay at kailangan pa naming magturo ng mga beginners. Matagal kaming makakauwi mamaya kaya kailangan kong mag take notes. Maaalala ko naman lahat ng takdang aralin pero kailangan kong makasiguro.
"Tapos na ako." Sabi ko.
Nauna na akong lumabas. Nakasunod lang sila saakin, nag-aasaran.
"Kayo na ni Ruby noh?" Tanong ni Yuna kay Andrey.
"Halata naman!" Si Edriel.
Binagalan ko ang paglalakad para makasabay si Zedrix na nasa likod ngayon. Pumagilid ako para mauna na sila. Nang magtagumpay ay nilingon si Zedrix. Panay lunok niya at diretso ang tingin.
"Nagmamadali si Andrey oh!" Pang-aasar ni Ian.
"Miss niya na siguro si Ruby."
"Balita ko halos araw araw kayong nag te-text." Si Ian.
"Okay lang na umamin Drey, hindi naman yun ipinagbabawal." Si Edriel.
"Naalala ko pa nung unang tinaluk ka namin sakanya! Pawisan ka non at sobrang baho!"
Binatukan siya ni Andrey dahil sa hiya.
"Pag narinig kayo ni Ruby, sisiguraduhin kong hindi na maiitsura ang mga mukha niyo." Banta ni Andrey.
"Hala kasama ako?" Turo ni Yuna sa sarili.
Mabilis na umiling si Andrey.
"Grabeh naman yong kaibigan natin!" Si Edriel.
"Nangangasim ka na Dre!" Si Ian.
Sabay silang hinampas ng bag ni Andrey sa inis.
"Bwiset! Manahimik nga kayo!" Sigaw niya sa mga ito.
"Nagbago na talaga tong pangalawang bakla natin!" Si Ian.
"Nung una nahihiyang lumapit kay Ruby, ngayon halos ayaw paghintayin sa labas."
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...