Chapter 18- Missing

127 10 0
                                    

♥️Stanlee's POV♥️

Tinamaan ako sa mukha ng Single Target Clapper.

Sobrang sakit.

Nilingon ko sa inis kong saan naggaling ito. Nagtatawanan ang ibang grupo ng Taekwondo na katabi namin. Lumapit ang isa ng nakangisi.

"Sorry hindi ko sinasadyang matamaan ka. Napalakas kasi ang pagsipa ko." Yun lang ang sinabi niya saka kinuha ang Single Target Clapper. Tumalikod siya at pumunta sa mga kasama.

Sarap gulpihin.

Napapalibutan ng salamin ang Gym kaya makikita ko ang sarili ko. Namumula ang pisngi ko dahil sa sakit. Tinamaan pa yung gilid ng mata ko.

"Sobrang lakas naman sumipa ng tarantadong yunnn." si Ian. Alam kong sinadya niya talagang lakasan para marinig ng nakatama saakin.
Lumapit sila saakin para tignan ang mukha ko.

"Namamaga yung mata mo!" Mahinang sigaw ni Edriel.

Nang bumaling muli ako sa salamin ay nakita ko agad na namamaga nga ang gilid ng aking mata!

Fuck.

Napakamalas.

"Ano gantihan natin!?" Si Andrey. Maglalakad na sana siya papunta roon pero pinigilan agad siya ni Zedrix.

"Halatang sinadya yun!" Si Ian.

"Oo nga! Kanina ko pa binabantayan ang kilos nila!"si Edriel.

"Tara sugurin na natin!" Si Kai.

"Minamaliit nila tayo! Hindi naman nanalo sa laban." Pasigaw niyang sabi.

Pinag uusapan nadin kami ng kabilang grupo kaya nilabanan din sila ni Ian. Pati Coach nila nakikisali.
Mariin ang titig niya kay Sir James, na wala namang pake sakanya. Hindi ko alam kong bakit hinahayaan lang kami ng mga coach namin na mag chismis dito kaysa sa mag training.

Ngayon ko lang din nakita na may nagbago sa ekspresyon ni Coach. Kaya pala.

May namumuo nang tensyon.

Gusto kong gumanti pero mabuti akong tao. Patuloy lang sa pagpaparinig si Ian at Edriel. Sumasali din si Kai at Edriel.

"Ang yayabang! Madaya naman!" Si Andrey.

"Hahahaha!" Nagtawanan kami.

Pag nakita to ni Stacey, baka hindi lang salita ang abutin ng grupo na yan. Ayaw niya talagang nasasaktan ako kaya siya nagagalit.

"Tumigil na kayo." Saway ni Andrey. Hindi parin sila nakikinig.

"Never stop being a good person because of bad people." Seryosong sabi niya. Tinitigan niya kami at pinag aralan gamit ang malalamig na titig.

Boom!

Napalingon kaming lahat sakanya. Natamaan kaming lahat sa sinabi niya kaya tumahimik na kami.

"Don't let idiots ruin your day." Tinalikuran niya kami at pumunta sa dispenser para uminom ng tubig.

Natahimik kami. Hindi kami tumawa dahil sobrang seryoso ng sinabi ni Zed. Parang si Stacey. Hindi yun narinig ni coach kaya titig na titig parin siya sa kabila.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon