♥️Zed's POV♥️
Napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsilabasan sa palagid namin, dala ang baseball bat. Lumingon ako sa likod at nakitang meron din doon, pinalilibutan nila kami. Napahawak si Bea sa braso ko dahilan kung bakit ako napalingon.
Hindi ko alam kung bakit naging ganito. Wala naman kaming ginawang kasalanan at busy din kaming lahat sa Training.
"Ano to?" Si Ian.
Walang sumagot ni isa sakanila ng itanong niya iyon. Takot na takot si Yuna, Mikay, Lia at Bea ng malingunan ko. Nasa gitna namin sila ngayon at nagyayakapan. Nakatalikod sa gawi ko si Stacey kaya hindi ko makita kong anong reaksyon niya sa pangyayating ito. Katabi niya si Stanlee kaya medyo nakampante ako.
Hindi ko kilala ang mga mukha ng mga lalakeng nakapalagid.
"Rin siya ba yung nambastos kay Eunesa? Yung babaeng niligtad nati sa gilid ng daan?" Bulong ni Stanlee sa kambal.
Humarap ako sa gawi nilang magkapatid, tumango si Stacey at binalik anh tingin sa harap.
"Anong kailangan niyo?" Mahinahon niyang tanong.
Nagtawanan ang mga kasamahan niyang nakapaligig saamin dahil sa tanong ni Stacey.
"Maganda ka parin kahit gabi noh?" Sabi nung lalake.
Gumapang ang inis sakin at lumipat sa tabi ni Stacey. Napalingon sina Ian sakin ng maypagtataka. Si Edriel namana ng pumalit sa pwesto ko kanina. Pinoprotektahan namin ang mga kababaehan ngayon. Pero si Stacey ay nasa harap pa. Humarang ako sa paningin ng lalakeng nagsalita.
"Sino to? Boyfriend mo?" Tanong nung lalake.
Unti unting lumapit ang mga nakapaligid kaya hinawakan ko na sa braso si Stacey mula sa likod para hindi siya tuluyang makawala. Matapang akong humarap sa lalake kahit may kabang nararamdaman. Kahit anong mangyari hindi ko hahayaang may masaktan isa man lang sakanila.
"Anong kailangan mo?" Tanong ulit ni Stacey.
Hinawi niya ang kamay ang kamay ko na nakahawak sakanya at pumunta sa harap ko.
"Stay away." Bulong niya sakin.
Kung kanina ako ang pomuprotekta sa kanya, ngayon siya na.
"Sino." Ani nung isa sa mga kasamahan nung lalake.
"Sino yung lalakeng baliw na baliw ang Girlfriend ko?" Inis na tanong nung lalake.
"Bakit sino bang girlfriend mo?" Inis na tanong ko. "Nangdadamay ka pa ng ibang tao para lang diyan."
Naramdaman ko na gumapang ang kamay ni Stacey sa kamay ko. Humigpit ang hawak niya rito at kinurot ng bahagya. Gusto kong dumaing sa sakit pero baka makita ng mga nakapalibot saamin na konting kurot lang ganito na ako maka react.
Kitang kita ko ang gigil sa mukha ng lalakeng kaharap namin ngayon dahil sa inis.
"Maraming nagkakagusto samin kaya hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mo." Pagmamayabang ni Ian.
"Kakapal ng mukha." Natatawang bulong ni Stacey sa sarili.
"Wag niyong ubusin ang pasensya ko kung ayaw niyong tumira sa ospital ng ilang buwan." Pagbabanta niya.
"Sino ba kasing girlfriend mo? Sabihin mo na para makarulog na ako ng maaga, pagod pa kaming lahat ngayon dahil kakaturo lang namin ng beginners." Sabi niya at nagpapakitang medyo pagod na nga.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...