Chapter 35- Unexpected

129 13 1
                                    

♥️Stacey's POV♥️

Nang makasakay na kami sa pandalawahang upuan ay nakita kong sumakay din si Kai, nasa likod namin siya ngayon. Tinitigan siya ng mariin ni Zedrix.

Anong bang problema ng magkapatid na to?

Nang magsimula nang umandar ang Rollercoaster ay gumapang ang excitement sakin.

"Wohhhhh!" Sigaw ko.

Nang lumingon ako kay Zedrix ay nakapikit na siya at tudo hawak sa kung saan. Mariin nag kanyang pagkakapikit kaya halatang takot siya. Gusto ko siyang tawanan pero nagulat ako sa paliko-liko ng Rollercoaster! Maraming sumisigaw dahil sa gulat at kaba.

"Itigil niyo na please!" Sabi nung babae.

"Hindi na ako gagawa ng kasalanan basta itigil niyo lang to!"

Gusto kong matawa dahil sa sinasabi ng mga tao. Umaakyat ang Sinasakyan namin ngayon sa mataas, kapag bumaba to sigurado akong magsisigawan na naman ang mga tao.

Wala akong naramdamang kaba dahil gusto ko talaga ang mga ganitong rides!

Natigil ako sa pag-aabangan na bumaba ang sinasakyan namin ng yumakap sa braso ko si Zedrix. Nangingig na siya, mas worst to ngayon kaysa sa sea dragon na sinakyan namin kanina lang. Nakapikit siyang umakap sa braso ko.

Talot na takot ang kanyang mukha, halos hindi ko na maitsura. Grabe nag panginginig niya. Kinakabahan tuloy ako baka mapaano to. Bigla nalang gumalaw ang kamay ko, nagpunta ito sa ulo ni Zedrix. Tinabunan nito ang mga mata at pari narin ang tenga.

Ano bang ginagawa ko? 

Napadilat siya sa ginawa ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi parin nawawala ang takot sa mga mata niya pero sgurado akong nagulat siya sa ginawa ko. Bumalik lamang siya sa pag-akap ng braso ko nang biglang bumaba ang sinasakyan namin at bigla naring lumiko. Akala ko mahuhulog na kami dun.

Tumawa ako ng malakas bago sumigaw. Sabog na sabog na ang buhok ko dahil sa lakas ng hanging sumasalubong.

"Parang lalabas na ang intestine ko!" Sabi nung babae.

Tumawa ako ng malakas.

Nang bumalik na ang sinasakyan namin kung saan kami umandar kanina ay humihina na ito. Nang tumigil naman ay may nakita akong nagsuka. Ang iba ay tulala at sobrang gulo na ng buhok. Gusto kong matawa pero hindi ito ang tamang oras dahil nang balingan ko si Zedrix ay namumutla ang kanyang mga labi.

"Hoy! Okay ka lang?" Tanong ko.

Matagal bago siya tumango.

"Sigurado ka?"

Marahan siyang tumango.

Pagiwang giwang ang lakad nito kaya kailangan ko pang alalayan. Nilagay ko ang braso niya sa saakin, hinawakan ko rin ang kanyang baywang para hindi talaga siya matumba. Kahit pinagtiitnginan kami ng mga tao rito ay wala parin akong pake dahil baka mapano tong baklang to kong sakaling iwan ko.

























❤️Ruby's POV♥️

Nang sabihin ni Yuna na binigay ng kapatid niya sa kaibigan ang librong hinahanap ko ay aaminin kung medyo nadismaya ako. Medyo nag-expect kasi talaga ako na meron, dahil sbai niya mahilig magbasa ng libro ang kapatid niya. Pero kalaunan hindi ako nawalan ng pag-asa dahil baka may stock na ulit next month. Maghihitay parin ako kahit gaano katagal, dahil baka ngayon makakabili na talaga ako.

"Shay okay ka lang?" Tanong ko.

Nakatitig siya sa paparating na sina Zedrix at Stacey. Kakagaling lang nila sa Rollercoaster. Nasa likod niya si Kai, busangot ang mukha at handang suntukin ang kapatid. Napansin ko sa mga nakaraang araw na palaging nag-aaway si Zedrix at Kai. Nung nakilala ko ang mga ito ay close naman sila at palaging nag-uusap. Ngayon parang nag iba na ang turingan nila sa sarili, hindi lang ako ang nakapansin nun dahil sinabi rin ni Ahy saakin ang napapansin niya sa dalawa.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon