Chapter 61- Jealous

74 8 4
                                    

♥️Stacey's POV♥️


"Saan mo'ko dadalhin!?"

Natahimik na lamang ako nang makitang sa bahay parin namin ang tungo niya. Nag-iba lang siya ng daanan dahil mukha traffic.

Bahagya akong nahiya sa mga pinagsasabi kanina.

Nang makarating kami sa bahay ay nauna akong bumaba sa hiya. Nadismaya ako nang matapos kung bumaba ay umalis narin siya ng walang paalam. Parang sinaksak ng punyal ang puso ko nang makitang palayo na ng palayo ang sasakyan niya.

Naging ganon nga si Zedrix sakin, lumamig siya. Hindi niya na rin ako tinetext o kinakamusta. Wala din akong balak na komprontahin siya dahil ayokong matapakan ang pride ko.

Dumating ang araw ng sabado. December 18,
Hanggang ngayon hindi parin makapasok sina Tyra sa bahay ng mga Medina. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa dahil sa paulit ulit nilang pagkabigo tuwing pumunta dun.

Napabuntong hininga na lamang ako habang tinatanaw ang City lights ng Cagayan de Oro.
Nagpunta ako kina Ruby ngayon, sinama ko si Tyra para kahit papaano may makausap naman siya na kagaya niyang maarte, si Sunshine. Mabilis nga silang nagkasundo dahil  
puro damit ang pinag-uusapan nila.

Nang mag desisyon kami ni Tyra na umalis na ay nagpaalam agad kami kay yaya Mila, Ruby at Sunshine. Sinundo kami ni Dylan pero tumigil din kami sa city lights kung saan kami napatigil ni Zedrix noon.

Kumuha ng litrato si Tyra at ng selfie.

"Sali kayo! Promise hindi ko'to e po-post." Anyaya niya.

Pumayag narin ako dahil siya yung tipo ng tao na hindi madaling sumuko. Alas syete na ng gabi. Lumayo muna ako sakanila nang tumunog ang cellphone ko.

Shay.

"Lo?" Tanong ko.

"Stace." Nanghihinang sinabi.

"A-Ano 'yun?" Tanong ko.

"Pwede bang pumunta ka sa bahay namin bukas?"

Mabilis na kumunot ang noo ko. "Para saan?"

"Please..."

"O-Okay."

Binabaan niya kaagad ako. Ano naman ang gagawin ko sa bahay nila?

"Sino 'yon?" Tanong ni Tyra.

"Friend."

Nang maka-uwi na kami ni Tyra ay bagsak agad ako sa kama. Isang linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Zedrix. Pati si Minmin tinatanong ako kung bakit. Hindi rin naman kilala ni Tyra si Zedrix kaya wala siyang alam kung anong nangyayari sakin.

Tamad akong bumangon at naligo. Sumunod naman si Tyra pagkatapos ko. Habang pinapakain ko si Jexi ay biglang nagsalita si Tyra.

"Something fishy about the family we've been trying to access."

"What do you mean?" I asked.

"Pakiramdam ko may tinatago ang pamilyang 'yon." Nakapamaywang niya akong tinignan.
"Low profiled ang parents ng kaibigan mo diba?"

Tss kaibigan.

Tumango ako. "Baka ayaw lang nilang ipagmalaki ang yaman nila."

"Yes but I heard na That Zedrix is a Zillionaire."

Nanlaki ang mata ko. "What!?"

Tumango tango siya. "Hindi ko pa nakikita ang mukha niya pero I think gwapo siya, sa pangalan pa lang."

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon