Chapter 31- Performance

110 10 0
                                    

♥️Stacey's POV♥️

"Hindi ko maintindihan ang sarili ko." Pag amin niya. Umigting ang kanyang panga ng lumapit ako. Nilagay ko sa ulo niya ang aking kamay. Bahagya ko siyang sinabunutan kaya napadaing siya sa sakit.

"Ano ba! Ang bigat ng kamay mo!" Sigaw niya saakin. "Magsama kayo ng Jeremiah mo." Malamig niyang sinabi.

"Ang arte nitong baklang to." Tinanggal ko ang aking kamay sa ulo niya. "Parang bata." Umirap ako saka tumayo.

"Saan punta mo?" Tanong niya.

"Pake mo?" Pinagkrus ko ang braso para astig tignan.

Tumayo siya at humakbang papalapit saakin. Napa atras ako habang bahagyang natatawa. Wala na akong maatrasan dahil pader na ng isang building ang nasa likod ko. Nilagay niya ang dalawang kamay sa gilid ko kaya medyo nag taka ako at nag panic. Ano bang ginagawa niya?

"Talk to me properly Woman!" Sigaw niya mismo sa mukha.

Nalaglag ang panga ko.

Walang naglalakas loob na gawin sakin ang nga bagay na ginagawa niya! Wala akong naging kilos na nagawa. Natulala ako at nakatitig sa mga mata niya.
Kitang kita ko ang galit roon. Namunula na din ang mukha niya. Tinulak ko siya dahil hindi ko na kinaya.

"Nauuhaw na ako." Nag iwas ako ng tingin. Inayos ko ang soot at pinagpagan ang sariling likod. Nag angat ako ng tingin sakanya. Hindi parin siya kumakalma hanggang ngayon. Lalagpasan ko na sana siya pero hinarangan niya ang dadaanan ko.

"Saan punta mo?" Seryoso niyang tanong.

"Pa-" hindi ko natuloy dahil yun ng pala ang dahilan kong bakit niya ginawa saakin yun. "Sa Canteen." Tipid kong sagot.

"Samahan na kita." Nakapamulsa niyang sinabi.

"Bahala ka sa buhay mo." Sabay irap. Naglakad na ako habang naka krus ang braso. Nagmumukha talaga akong tomboy maglakad at alam ko yun dahil ramdam ko din. Pag nasa kompetesyon na ako naglalakad na ako ng propesyonal na Gymnasts.

Nakabuntot siya saakin habang papunta kami sa Canteen. Agaw pansin siya kaya medyo naingayan ako sa mga babaeng nakakasalubong namin. Magkatabi kami ngayon at panay ang sulyap niya saaking busangot na mukha. Don't get me wrong ha pero ganito na talaga ang mukha ko, busangot palagi. Kaya ko tong baguhin kong gugustuhin ko pero nakakapagod magpakitang tao.

Nang makarating kami sa Canteen ay medyo marami ng tao roon. Ang sikip sikip at magkadikit na kami. Kulay maroon ang soot ng lahat ng estudyante ngayon. Wala silang dala na gamit o ano.

Habang papaakyat kami sa hadanan ay may kamay na gumapang saaking baywang. Napatalon ako roon at luminga lingan. Halos hindi na kami makalakad dahil sa sobrang dikit. Hindi ako gaanong nahihirapan dahil pakiramdaman ko may pumo-protekta saakin.

Hawak ni Zedrix ang aking baywang. Hinaharang niya din ang kanyang katawan pag may nakakasalubong kaming mga lalake. Nagtitilian naman ang mga kababaehan pagnakahawak sakanya ng bahagya.

"Sobrang ganda mo Hija!" Sabi ng tindera na binibilihan namin palagi. "Mas lalo ka talagang gumanda!"

Ngumiti ako sakanya. Iaabot ko sana ang perang pambayad pero naunahan ako ni Zedrix. Bahagyang nagtaka ang Tindera dahil sa ginawa niya.

"May bibilhin ka Hijo?" Nakangiting tanong.

"Bayad ho yan sa binili niya."

"Ahhh ganon ba!?" May multong ngiti sakanyang labi.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon