♥️Yuna's POV♥️
"Hindi ko masasagot yan." Malungkot na sabi ko.
"Huh?" Nagtatakang tanong ni Stanlee. "What's the matter?"
"Hindi ko nga masasagot yan!" Sigaw ko.
"Anong bang nangyayari sayo? Nagtatanong lang naman ako."
"Hindi ko alam kong anong meaning ng matter kaya wag mo na akong tanongin." Inis kong sinabi.
"BWAHAHAHAHA!" Humagalpak siya sa tawa.
"Hindi yan ang ibig kong sabihin! Hindi 'Matter' na anything that occupies space. Tinatanong kita kong anong problema mo." Nakangising sinabi.Huh?
"Ayy ganon ba yun?"
Umling iling siya at natatawa akong tinignan.
"Hindi ko alam na yun ang ibig mong sabihin. Pareho kasi sila ng spelling pero iba ang meaning."
"Tsss."
"Ginagaya mo si Stacey noh? Tss ka kasi ng Tss." Natatawang sabi ko.
"Kambal kami kaya haha." Aniya.
Matagal ko nang gustong itanong kong bakit lalake si Stanlee at hindi babae. Ngayon palang kasi ako nakakita ng babae at lalake na kambal.
"Bakit nga pala lalake ka?" Tanong ko.
"H-Huh? What do you mean?" Nagtatakang tanong.
"I mean bakit hindi ka babae?" Tanong ko uli.
"H-H-Huh?" Mas lalo siyang nagtaka.
"I mean diba? Kasi, ngayon palang ako nakakita ng babae at lalaki na magkambal."
"May scientific explaination niyan, pag ang gen-"
Hindi ko siya pinatapos. "Wag mo nang e explain hindi ko rin naman maiintindihan." Pekeng tawa ang iginawad ko.
Tumango siya. "Pwede mong e se-"
"Gagawin ko yan." Mag-aaral na ako ngayon ng mabuti kaya wala na silang dapat ikabahala.
Pero baka puro salita lang ako at wala sa gawa. Yan pa naman ang palaging nangyayari sakin.
Nang tumunog muli ang bell hudyat ng snack time ay nagligpit agad ako. Gutom na ako kaya minamadali ko to. Akala ko ako ang maghihintay sakanila, pero nagkakamali yata ako dahil naka abang na silang anim sa labas.
Pakiramdam ko sobrang cool ko pagkasama ko sila.
Agaw pansin kasi ang mga ito at pinagtitilian pa.
Sinalubong ako ni Edriel at inakbayan. Nakita kong mariin ang titig ni Stanlee sa kamay nito pero hindi iyon nakita ni Edriel, si Ian lang at si Kai."Mas maganda sana kung nandito si Stacey." Sambit ni Ian.
"Hindi ba siya pumunta ng ospital?" Tanong ni Kai.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...