🌷Ruby's POV🌷
TRINGGGGGGGG TRINGGGGGGGGGGGGGGGGG
TRINGGGGGGGG TRINGGGGGGGGGGGGGGGGG
TRINGGGGGGGG TRINGGGGGGGGGGGGGGGGG
TRINGGGGGGGG TRINGGGGGGGGGGGGGGGGG
TRINGGGGGGGG TRINGGGGGGGGGGGGGGGGGNapabalikwas ako sa kama dahil sa malakas na ingay mula saakin cellphone. Kinuha ko ito sa side table. Kinusot ako ang aking mata dahil nanlalabo pa ito. Hindi ko parin makita ang pangalan na nasa screen kaya kinapa ko ang aking makapal na salamin sa gilid na lamesa. Nang mahanap ko ito ay mabilis kong sinoot at tinignan ang pangalan sa Screen.
Shine.
Oh nga pala! May usapan kami ngayon na magkikita kaming magpipinsan! Sinwipe ko agad at nahihiyang sumagot.
"Ang tagal mo namang sumagot Couz!" Inis niyang sigaw saakin. Dapat hindi ko ito ginagalit dahil naninigaw ito.
"Sorry Shine matagal akong nakatulog kagabi."
"Ano ba! Okay lang! Alam mo namang hindi magtatagal ang tampo ko sayo! May sasabihin lang sana ako sayo pag nagkita na tayo hehe. Hindi nga pala makakarating ang iba nating pinsan dahil may date daw sila ngayon."
"Ahhh ganon ba? Saan kana pala ngayon?" Tinignan ko ang wall clock. 9:15am na pala! 8:00am ang napag usapan namin kagabi nang umakyat ako sa kwarto pagkatapos kumain.
"Nasa sala niyo ako Couz."
"Ano!?"
"Nasa sala niyo ko!"
"Sige baba narin ako riyan! Maghahanda lang ako."
"Take your time By."
Binaba ko na ang linya at nagmamadaling kinuha ang roba saka pumasok sa Bathroom. Nakakahiya naman sakanya kung paghihintayin ko pa siya diba? Ayaw kasi ng Pinsan ko ang nalelate. Early person siya. Kung 8:00am ang usapan namin ay dadating siya 7:00am. Matalino siya at maganda. May naging Boyfriend na din siya. Tinuturing ko siyang Best Cousin kasi sa lahat ng pinsan ko siya ang pinakamalapit saakin.
Pagbaba ko ay naroon siya sa couch kausap si Yaya Mila. Nang namataan ako ay tumayo siya para umakap saakin. Sinalubong ko siya ng yakap at beso.
"Naku! Ang gaganda niyo talagang dalawa!"
"Naman po! hehe." Si Shine.
"Mag contactlens ka nalang kaya By?"
"Baka masaktan ang mata ko."
"Ano ka ba! Hindi noh! Hindi ka ba nasasagabalan sa makakapal na glasses na yan?"
"Okay na ako dito. Nasanay narin naman ako. Saka masakit sa mata ang mga ganyang bagay!"
Ngumuso siya. "As if naman mababago ko yang paniniwala mo!" Sabay irap. "Nga pala samahan mo akong bumili ng make up mamaya."
Tinanguan ko lang siya. Floral Dress ang soot ko ngayon, siya naman ay Maong na Highwaist at Rusty orange croptop. Maganda talaga siya manamit bata palang kami. Nagmumukha siyang mature dahil mature siya manamit. Hindi naman bulgar ang pananamit niya pero mapapansin at mapapalingon ka talaga. Maraming nagkakagusto sakanya to the point na kinidnap na siya. Kinuwento niya saakin kahapon ng gabi ang nangyari sakanya nung mga nakaraang araw.
Nagsimba muma kami bago pumunta sa paborito naming restaurant. Kung kompleto kaming magpipinsan ngayon ay uupo kami sa malaking table pero dahil wala sila ngayon ay uupo lang kami sa pandalawahan na mesa.
"Gusto ka ng Bestfriend ko By." Sabi niya kalagitnaan ng pagkain ko ng halo halo. Nag angat ako ng tingin sakanya. Palagi niyang kinukwento saakin ang Bestfriend na sinasabi niyang Gwapo, Matalino, Mabait, Responsable, Gentleman at Bookworm katulad ko.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...