Chapter 42- Meow

111 11 6
                                    

♥️Stacey's POV♥️

Nang matapos ang kanta ay sabay kaming kumalas ni Zedrix. Sinundan iyon ng ibang kanta pero hindi na kami sumayaw dahil alam mo na. Medyo nahiya ako sa ginawa namin roon. Kanina lang nasobraan yata ang kain ko dahilan kung bakit biglang nalang akong naging OA.

Gusto kong matawa sa sarili dahil hindi ko matignan si Zedrix. Siya rin naman kaya patas na kami.

"Yuna ayusin mo ang jacket." Utos ko kay Yuna dahil  hindi maayos ang pagkakatabon sakanyang maiikling dress.

Kanina pa siya tulala at lutang. Napansin ko rin na hindi rin sila makatingin ni Minmin sa isa't isa. Tuwing nalilingunan ko ang dalawa ay natatawa ako dahil pareho silang nakatingin sa opposite na direksyon.

Inabot ko ang kutsara at kumuha ng Leche flan. Gustong makipag-usap ni Sunshine sakin pero masyado akong okyupado sa mga nangyari kanina.

Nang magtama ang paningin namin ni Zedrix ay sinubukan kong labanan ang tingin niya. Tumagal kami ng ilang minuto bago siya sumuko.

"Happy Birthday Bro! Thank you because you became my brother hehe, I am so proud of you. Mommy and Daddy are so proud of you, you make us even more impressed by you because of your achievements. You are 17 now and I just want to wish the next few years a good year for you. I love you so much Bro. I know you love me so much so you don't have to say that HAHA." Ate ni Andrey.

"Hi Baby Andrey!  Happy Birthday to youuu hehe.  Mommy is very proud of you. Malaki na talaga ang baby ko hahays. Nung una kinakarga karga pa kita habang dumedede huhu." Pinunasan niya ang kaniyang luha at agad naman siyang dinaluhan ng ama ni Andrey. "Tandaan mo na mahal na mahal kita and Happy Birthday baby! Enjoy your day!"

Maraming nag bigay ng mensahe kay Andrey kasama na roon ang mga ibang bisita na kilala niya.

"Drey! Happy Birthday! Matanda kana BWAHAHAHA! Bawas bawasan mo ang pangangasim mo tuwing nariyan si Ruby baka ma turn off siya. Pero seryoso, nagpapasalamat ako na naging kaibigan kita. Sa aming lahat kayo lang ni Zedrix ang mahinahon pagdating sa away nating mag to-tropa. Salamat din sa Libre mo minsan HAHA. Medyo OA pakinggan pero mahal na mahal kita, tsk tsk bigla tuloy akong nandiri sa sarili HAHAHA!" Si Ian.

"Naalala ko pa nung una kitang nakita akala ko bakla ka HAHAHA! Pero nung nakilala kita napatunayan ko nga. Joke lang Drey, salamat dahil ang taas ng pasensya mo samin at salamat dahil kahit medyo nangangantyaw kami sainyo at nambubully ay hindi mo parin iyon sineseryoso. Kagaya ng sinabi ni Ian kahit medyo nakakadiring pakinggan ay umm mahal kita, Eww." Aniya kunwaring nasusuka sa sinabi. "Happy Birthday! Pakisabi kay Tita na padalhan ako ng BH."

Nagtawanan ang dalawa sa gitna. Ang mga bisita naman ay napatawa na rin.

Tumayo si Kai at si Zedrix.

"Thank you Drey sa mga natulong mo sakin, Sana sa year na to magiging masaya ka. Hindi ko makakalimutan nung bata pa tayo na inagawan mo ng laruan ang kapitbahay niyo para ibigay sakin. Tch, masaya kami na naging kaibigan ka namin dahil bukod sa mabait ka ay maunawain ka pa. Happy Birthday Drey Wish you a happy year and a peaceful life. I love you as a Brother." Si Zedrix.

"Happy Birthday Drey! Kapatid na ang turing ko sayo kay mahal na mahal kita. Nasabi na nila lahat ng mga sasabihin ko kaya Happy Birthday na lang at tandaan mo na mahal kita bilang matalik na kaibigan." Si Kai.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon