Chapter 62- Birthday

80 8 1
                                    

♥️Stacey's POV♥️

Tumalikod ako. Dali-dali kung kinuha ang bag ko at inayos ang sarili para umalis.

"Whoy saan ka pupunta?"

Hindi ko siya sinagot. Diretso lang ang lakad ko paalis sa Oval. Naghihintay ang sasakyan namin sa Parking area kaya madali lang akong makakaalis dito. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganon si Zedrix. Birthday namin ni Minmin bukas pero pakiramdam ko parang normal na araw lang 'yon.
Sa nakita kung pag-akbay niya sa ahas na Candyd na 'yon parang ipinakumukha niya lang sakin na hindi ako worth it.

Akala ko ba kaibigan lang sila?

Gusto ko talaga siyang sapakin dahil sa nakita. Kung ilalagay mo ang sitwasyon ko sa sitwasyon mo sigurado akong sasabog ka din sa inis, sakit at galit.
May pila pa para makalabas, kukunin kasi 'yon pass namin. Sa galit ko ngayok parang gusto ko nalang itulak at banggain ang mga tao dito para makaalis sa lugar.

Hinahamon ba ako ng Zedrix na 'yon? Pwes! Hindi ko siya uurungan. Nagpapaselos siya right?

Wait...

Nagseselos ba 'ko?

Ilang minuto pa bago ko na proseso ang lahat.

Bahagya akong natawa sa sarili ko. No way, napatakip ako sa sariling bibig. I hate this.

Galit akong lumabas sa Oval. Hinanap ko ang sasakyan ni Manong pero wala akong nakita. Nandito lang 'yon diba? Pinag krus ko ang braso at naglakad lakad para ma sigurado na wala akong nakaligtaan. Panay ang lingon ako sa kaliwa dahil dun naman talaga nag park ang sasakyan.

"Excuse me."

Nilingon ako ng nagbabantay sa parteng 'yon.

"Nakita niyo po ba ang sasakyan na nakapark dito kanina?" I asked.

"Opo! Umalis po!"

Nagtaka ako sa sagot ng lalake. Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo kaya tumalikod na 'ko. Mag co-comute na nga lang. Sirang sira talaga ang araw ko ngayon. Kinuha ko ang aking selpon at dinial ang number ni Manong.

"Hello po ma'am?"

"Nasaan ka manong?" Hindi ko matago ang inis sa boses ko. Sinusubukan ko kasing i-iwas ang tingin sa gawi ni Zedrix at sa ahas niyang kasama.

"Tapos ka na po ba ma'am? Bumili lang po ako ng energy drink niyo. Babalik narin po ako ngayon, akala ko kasi matagal tagal pa kayo uuwi dahil walang training."

"Sige maghihintay ho ako." Binaba ko ang selpon. Kinuha ko ang Airpods sa bag at sinaksak iyon sa tenga ko. Gusto ko nalang matulog ngayon para malimutan ang sakit na nararamdaman.

Look at the stars

Look how they shine for you...

That song. Yan ang paboritong kantahin ni Shay. Nung birthday niya yan ang ni-request sakin. Napapapikit ako sa sakit. Unti-unti nang bumaba ang araw. Lumalamig na din ang paligid.

Kung mamatay ba tayo magkakaroon ng mga realization ang mga tao?

Yes.

Doon lang nila ma re-realize na importante ka pala.
Doon lang nila ma re-realize na ma mi-miss ka pala nila. Doon lang nila ma re-realize na malulungkot pala sila kung mawawala ka. Nakakalungkot lang isipin na kailangan mo pang mamatay para ma realize nila ang mga bagay na 'yan. It's the reality.
When you hate someone and the other day, you hear that they pass away, matitigil ka nalang at mapapa-isip.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon