Chapter 5- Mommy

219 15 0
                                    

Stanlee's POV



S-Sumagot siya ng Oo.
Talagang nagulat ako doon!
Hindi mo siya maririning na magsalita sa halip ay ngumingiti lamang siya pag tinatanong kung okay lang ba siya.

"A-Ahh Hahaha wag mo nang isipin yung sinabi ko." nauutal niyang sinabi.

Hindi ko siya maintindihan ngayon dahil kailanman hindi siya nag ka utal-utal pag kausap mo siya.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko.

"Wala Stanlee. Matutulog na ako." tipid na sagot niya at nag lakad papunta sa itaas.

"Goodnight Rin." ngumiti ako sakanyan.

"Goodnight Minmin. Pray before you sleep." ngumiti siya at umakyat na.

Pumasok na ako sa Kwarto ko. Pagkatapos kung maligo ay humiga na ang sa kama.


FLASHBACK

Umiiyak ako dahil inaway ako ng kalaro kung kapit bahay namin. Nandito ako sa malawak naming Hardin nag tago ako sa mga malalaking bulaklak at makakapal na dahon. Pinili ko ditong umiyak pra hindi ako makita nina mommy, daddy at Rin. Pinatid kasi ako ng kalaro ko dahil gusto niyang makuha ang laroan ko. May pasa ako sa tuhod at may mga galos ako sa siko dahil ito ang naitokod ko sa pakakadapa. Kapag narinig ako nang kapatid ko dito ay baka kalbuhin niya yung nagpaiyak saakin. Tutuksuhin din niya akona bakla.

Umiyak ako ng Umiyak sa sakit hindi ko alam kung anong gagawin ko.

May narinig akong yapak sa likod ko.

"Min anong nangyari sayo?" malamig na tanong ng aking kambal.

Kumabog ng malakas ang puso ko dahil takot akong malaman niya na inaway ako ng kapitbahay. Baka awayin niya din ang mga kalaro ko pag nalaman niya. Mabilis akong umiling at ngumiti.

Malakas ang pakiramdam niya. Nababasa niya ang utak ng tao.

Kahit limang taong gulang pa kami.

Lumapit siya at pinindot ang pasa ko sa tahod na dahilan ng pag sigaw ko sa sakit.

"Ano hindi ka talaga aamin saakin?"galit na tanong niya.
Nang makita niya na hindi talaga ako magsasalita ay nagalit lalo siya."Paghindi mo sinabi ang nangyari hindi lang suntok ang aabutin mo sakin kudi tadyak."

Natakot ako sakanya dahil baka punan niya ang sugat ko.

"Fine." nag iwas ako ng tingin.
"Masaya kaming naglalaro ng kapitbahay natin. Pero bigla niya nalang inagaw ang laroang hawak ko na binigay ng anak ni Yaya Miling. Kaya nakipag agaw ako. Pero natulak niya ako ng malakas kaya nadapa ako at naitukod ko ang braso ko kaya nagkaganito." malungkot kung sabi.

Tumawa siya ng malakas.

"Mahina ka pala eh." nangangantyaw niya sabi.

Palibhasa tatlong taon palang kami nag simula na kaming mag training ng Martial Arts. Saaming dalawa siya ang Pinakamatindi. Ako ang Pinakamahina. Kaya siya ang paburito ni Master.

"Hindi ako mahina!" sigaw ko.
"Malakas lang talaga yung kapitbahay natin!"

Tumakbo ako ng paika-ika.

Kaya mas lalo siyang tumawa ng malakas.

Pero kilala ko siya. Tumatawa lang yun pero deep inside malaking galit na ang nabuo sakanyang isip dahil nasaktan ako at natalo. Alam kung sinabihan niya ako ng mahina dahil gusto niya na magsikap paako. Pero kahit anong gawin kung pagsisikap hinding hindi ko siya mapapantayan.
Dahil saaming dalawa ako ang pinakamahina at siya ang pinakamalakas. Tanggap ko iyon dahil mahal ko siya bilang kapatid.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon