♥️Stacey's POV♥️
Sasakyan ni Dylan.
Napabuntong hininga ako. Gusto ko din sanang malaman kung ano ang gustong sabihin ni Zedrix.
"Okay ka lang po ba?" Yan ang sinalubong ni Dylan sakin pagkalabas niya ng sasakyan.
Tumango ako. "San ka galing?" Sabay tingin sa sasakyan niya.
Nilingon na muna niya si Zedrix bago nilapit ang mukha sa aking tenga.
"May nakalap po ako impormasyon kaya ako natagalan sa pag sundo sayo." Aniya.
Tumango ako.
"Naubusan ng gas si Zedrix kaya ihahatid natin siya ngayon pag-uwi." Sabi ko.
Napilitang tumango si Dylan.
Isinakay namin si Zedrix sa sasakyan ni Dylan. Naging maayos ang byahe namin at walang imikan. Panay titig sakin ni Zedrix na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa dahil nandyan si Dylan. Ang nakakainis lang ay pati rin si Dylan, hatang may gusto siyang sabihin sakin pero nandyan si Zedrix.
Napabuntong hininga ako at binuksan ang bintana para makalanghap ng pang gabing hangin.
Copper Shimmer din ang kulay ng buhok ni Siri. Gaya ko ay pareho kami ng ugali. Naalala ko pa nung sinabi niya sakin na gusto niya raw gayahin ako. Tinitingala niya ako ng sobra, halos lahat ng gusto ko ay gusto niya na rin.
I miss her. Kung matatapos ang buwan ng Septyembre ay pang-pat na buwan na siyang nawawala. Malaki ang tiwala ko sa kapatid ko.
Alam ko sa sarili kong hindi siya mamamatay.Hindi ko alam kung pano ako naging kalmado nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam ko kasi nasa paligid lang talaga si Siri. Sinabi nga ni Dylan na nasa Cagayan de Oro din siya diba?
Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi pa sila nagpaparamdam hanggang ngayon?
May kinuha o ginawa ba sila sa kapatid ko kaya nanahimik na sila? Maraming baliw na scientist na patay na patay sa mga experiments. Ang kinatatakot ko lang ay baka ano ng nangyari kay Siri.Having a sister like her is a gift.
Its her birthday today, and it breaks my heart.
She's fifteen now.
I'm very disappointed in myself.
Tumingala ako sa kalangitan. The sound of my heart beating, like a hammer against cloth. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa lungkot na nararamdaman.
'anjeonhage dol-a oseyo'
(Please comeback safe)
Nagpakawala ako ng mabigat na hininga. Napahilig ako sa backrest at napapikit.
Meanwhile...
Nagising agad ako ng tumigil ang sasakyan namin. Nandito na kami sa gate ng mga Medina. Parang hotel talaga ang style ng mansion nila sa malayo, pati rin naman sa malapit at sa loob.
"Thank you." Sabi niya kay Dylan. Tinanguan kang siya nito.
Inilipat niya ang tingin sakin. "Sleep well and take care." Aniya saka lumabas ng sasakyan.
Kung titignan mo ang likod ni Zedrix. Para siyang si Artista kung maglakad. Lalakeng lalake ang kilos niya at malinis siya tignan palagi dahil sa mga soot. Gusto ko din sanang mag Goodnight sakanya pero sa tingin ko hindi yun ang tamang panahon para sabihin sakanya dahil mukhang nagmamadali tong si Dylan.
Anong kakantahin ko kung sakaling maisipan ko nga na kumanta nalang kesa sa tumambling.
Marami akong alam na kanta kaya sigurado akong kakayanin ko to.
BINABASA MO ANG
What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)
RomanceWhat's Wrong With Her? The multi talented, Beautiful, and Super Intelligent with a High IQ Stacey Rin Lauron, loves to eat Leche Flan and watch the sky. Despite her different attitude, maraming lalake ang nangangarap sakanya. She's very Straightforw...