Chapter 14- Strong

149 12 0
                                    

🥋Stanlee's POV🥋

Minulat ko ang mga mata ko. Ang unang nakita ko ay si coach. Kitang kita ko ang pag aalala sa kanyang mukha. Mabilis naman akong nilapitan nina Kai.
Nagsasalita sila pero hindi ko madinig. Kitang kita ko ang pag aalala sa mukha nang mga kasama ko. Kita ko ding nagpapanic na sila.

Bakit wala akong marinig?

Dahil sa pangamba ay bumangon agad ako. Tinignan ko ang mukha nila. May sinasabi sila pero hindi ko marinig. Kumalabog nang husto ang puso ko. Hindi maaari to!

Ginala ko ang paningin ko sa paligid. Nandito kami sa ospital. May mga nurse na naglalakad at dumadaan.

Anong nangyari saakin?

Hindi ko talaga maintindihan ang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig. Kinakabahan na talaga ako. Bingi naba ako? Gusto kung maiyak sa iniisip ko. Hindi ko kayang maging ganoon ako. Ayoko please...

May lumapit na doctor. Sa tingin ko ay lumapit ito dahil sa ingay nila. Hindi ko man sila marinig ay alam kung may sinasabi sila. Wala sakanila ang deperensya na sakin. May sinabi ang doctor na lumapit. Gusto ko talagang malaman ang pinag uusapan nila. Pero kahit anong pilit ko sa sarili kung makarinig ay hindi talaga. Pumikit ako nang mariin dahil sa frustration.

Nag angat ako nang tingin sakanilang lahat. Ngumiti ang doctor at umalis. Nakita kong huminahon na sila at nagpakawala nang buntong hininga.

Nakaupo lang ako dito habang sila naman ay nakatingin saakin. Nag uusap sila. Hindi ko alam ang pinag uusapan nila pero ang alam ko ay tungkol ito saakin. Umaliwalas nadin ang mukha ni Coach.

Kumuha nang papel at ballpen si Zedrix.
Sinulatan niya ito at ipinakita saakin.

Okay ka lang ba?

Binigay niya saakin ang papel para doon ako sumagot.

Hindi. Bakit wala akong naririnig?

Kinuha niya ang papel at sinulatan muli.

Babalik ang pandinig mo. Natamaan kasi yan kanina habang nag spa-sparring tayo.

Nabunutan ako nang tinik dahil dun. Babalik lang pala ito. Hinanap ko ang cellphone, nakita ko ito sa side table kaya kinuha ko ito. Medyo masakit padin ang ulo ko dahil sa sipa kanina.
Pero kaya ko namang tumayo. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang natalo ako. Tanggap ko naman pero hindi talaga ako makapaniwala.

Binuksan ko ang cellphone ko at nakitang 12:43 na nang gabi. Bukas ang laban namin!
Bakit nandito pa sila?! Kailangan na naming matulog at e kondisyon ang mga katawan namin!

Sinubukan kung magsalita. Pero kahit ako hindi ko marinig at maitindihan ang mga sinasabi ko. Kita ko din ang pagtataka sa mga mukha nila. Hindi ako tumigil. Alam kung nagsasalita ako pero hindi ko lang marinig ang sarili ko. Pakiramdam ko walang lumalabas sa mga bibig kung salita dahil hindi ko naman naririnig ang sarili ko.

Gumalaw ang kanilang mga bibig pero gaya kanina ay wala talaga akong maintihan at marinig.

Kumuha nang papel si coach at sinulatan ito.

Ipinakita niya saakin ang papel.

Magpahinga ka muna. Huwag mo kaming isipin. Mas importante ang kaligtasan mo.

Ngunit hanggang kailan ako magiging ganito?
Bukas ang laban kaya kailangan bumalik na ang pandinig ko.

Ano ba Stanlee! Pasalamat ka at babalik yang pandinig mo! Kaya maghintay ka nalang!
Inabot muli ni coach ang papel.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon