Chapter 10- Zeus

192 12 0
                                    


Stacey's POV

Siya yung lalaking nakakasabay ko sa pag jo-jogging! Siya ang sub?

Nagtitilian ang mga babae. Hindi ako makapaniwala na siya yung sub. Akala ko matanda ang sub oh kamukha ni Sir Salamanki.

"Good Morning Sir!" nagtitilian parin ang mga babae. Namumula sila sa sobrang kilig. Ang mga lalaki naman ay walang pakialam at tinitigan lang.

Tinitigan ko lang siya. Tumatawa tawa naman siya sa mga reaksyon nang mga studyante. I think nasa 20 above yung edad niya. Medyo bata pa mukha niya. Matangos ang ilong, makakapal na kilay, malalim na mata, maninipis at mapupulang labi, malaki din ang pangangatawan niya.

I think nag g-gym siya.

Nagpakilala ang isa isa saamin.

Name, Age, Sports.

"My name is Zedrix Kyle Medina. 16 years old Taekwondo Player." pagpapakilala ni Zedrix. Umupo siya nang tumango ang Sub Teacher.

Tumayo si Ian dahil magkatabi sila ni Zed.

"I'am Ian Leonard Pascua, 16 years old, Taekwondo Player." umupo na siya pagkatapos sabihin ang huling salita.

Tumayo si Edriel.
"Hi Sir, I'm John Edriel Reyes,
17 years old, Taekwondo."

Tumayo si Kai.
"Kai Jaxon Medina, 17 years old, Taekwondo." tumango yung sub. Umupo na siya.

"Andrey Jensen Galorio, 17 years old, Taekwondo player."

"Solenne Yuna Cielo, 16 years old Rhythmic Gymnastics."

Nagpakilala ang mga katabi ni Yuna.
Ako ang huling magpapakilala dahil nasa huling silya ako naka upo.

Tumingin ako sa lawak nang sports Center. Ngayon nga pala ang Birthday ni Shay. Pupunta kami sakanila pagkatapos nang training. May sakit si Shay kaya ako pumayag sa gusto niyang mangyari. Gusto ko siyang tanongin kung anong klaseng sakit ang meron siya. Pero baka mali lang ako nang hinala na meron talaga. Baka matawa kang siya kung bigla ko siyang tanongin. Pero hindi talaga ako pupunta sa birthday niya kung wala akong napapansin sakanya. Alam kung pagod sina Zedrix pagkatapos nang training pero naaawa talaga ako kay Shay.

"Excuse me." sabi nung sub na nakatingin saakin.

Silang lahat pala.

Nasaakin ang lahat nang mata nila.

"Please introduce your self to me
Miss Runner." yung Sub.

Miss Runner? Saan galing ang pangalang yan? Naiinis ako pag may ibang nickname na tinatawag saakin.
Iniiba kasi nila ang pangalan na binigay ni Master saakin. Ang kwento ni Manang saakin hindi daw nakaisip nang pangalan ang mga magulang ko noong ipinanganak kami ni Minmin. Pero may nakahanda na palang pangalan na galing sa Lolo ko. Siya yung nag bigay nang pangalang Stacey Rin saakin at Stanlee Min kay Minmin. 

Tumayo ako at tinitigan siya nangnaghahamon na tingin.
"Stacey Rin Lauron, 16 years old, Rhythmic Gymnastics." hindi ko na hinintay na tumango siya umupo na ako.

Nang tiningnan ko siya ngumisi lang siya saakin.

Anong problema mo?

"Your Suplada..."ngumisi siya at umiling."at the same time cute."

Mariin ko siyang tinitigan. Pinapahiwatig ko sakanya na hindi ako natutuwa sa mga inaasta niya.
Inirapan ko siya sa huli. Ang mga kaklase naming babae ay sumimangot.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon