Chapter 34- Dress

120 11 4
                                    

❤️Stacey's POV♥️

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Yuna nang lumabas siya sa banyo. May halong lungkot at gulat sakanyang mukha na tila ba nagulat sa nakita niya, pero kalaunan nalungkot rin. Nakatayo lang siya kaya nilapitan ko na. Nangingilid ang kanyang luha kaya mas lalo akong nag-alala. Tinititigan niya ang tatlong babae na nasa harap ng salamin.

"Let's go." Utos ko.

"Mauna ka na Stacey, maghuhugas lang ako ng kamay." Aniya.

Tumango ako pero nanatili lang ako sa loob. Gusto kong malaman kong anong dahilan ng kanyang pagbabago ng ekspresyon. Dahil ba ito sa rides na sinakyan namin kanina? Pero hindi eh, I'm not dumb na hindi mapansin kong saan siya nakatingin.
Masiyahin siyang tao kaya medyo na ba-bother din ako pag bigla siyang nalulungkot, hindi kasi ako sanay na makita siyang ganyan.

Kung kanina tulala silang lahat dahil sa sinakyan naming rides, iba to kay Yuna, wala akong nakitang ekspresyon niya ng makababa kami sa rides. Kaya mapapansin ko talaga ang pag-iiba niya.

Kung ano man ang problema niya, andito lang ako para makinig. Hindi ko alam kong pano maging kaibigan dahil hindi ko pa talaga naranasan ang magkaroon ng ganon. Pero hindi naman ako bobo para hindi matuto kung paano.

Bumaling ako sa tatlong babae na nasa salamin. Kung kanina sobrang ingay nila pagdating ngayon biglang tumahimik. Get's ko na.

I think they know each other.

Halata iyon kung paano sila tumingin sa isa't isa.

Nang matapos mag hugas ng kamay ni Yuna ay inisa isa niyang tinitigan mula ulo hanggang paa ang tatlo.
Nauna siyang lumabas sakin.

W.O.W

Ano yun? Iniwan ako?

Lumapit ako sa tatlo dahilan kung bakit dumapo ang paningin nila saakin. Tinaasan ko ito ng kilay bago lumabas ng banyo. Nakita ko agad si Yuna na pinalis ang luhang naglandas sakanyang pisngi. Namumula na ang kanyang mata.

"Ba't ka umiiyak?" Tanong ko.

Mabilis siyang umiiling at nginitian ako. Hindi ako yung tipo ng taong mangungulit dahil gustong malaman ang sagot, ako yung taong isang salita lang titigil na ako at aalis. Kahit gaano ako ka kuryoso ay hindi nalang ako nag tanong muli dahil baka hindi siya handang e share nag nararamdaman niya.

"Nasasaktan kang ako." Aniya.

Tumango ako.

"Tanongin mo naman kung bakit ako nasasaktan! Huhu." Aniya.

What?

"Oh sige bakit."

"K-Kasi k-" hindi natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang dumating si Zedrix.

"Kanina ko pa kayo hinahanap." Hinihingal na sabi niya.

Halatang pagod siya at kinakapos sa hininga dahil sa kakatakbo siguro. Hindi niya tinggal ang paningin saakin. Hindi nga niya napansin na umiiyak si Yuna.
Hindi ko alam kung kay Yuna ba tumitingin ang mga tao o kay Zedrix.

"Okay." Sabi ko.

"Anong okay? Nag-alala ako!" Sigaw niya.

"Eh anong gusto mong gawin ko yakapin at halikan kita para worth it yang paghahanap mo!?" Inis kong sabi.

Natigil siya roon at galit akong tinitigan. Ano bang pinaglalaban niya? Kasalanan ko ba na nag-alala siya? Ilang minuto lang naman kami nawala ni Yuna ah? Napaka OA talaga nitong baklang to. Sisigawan pa ko. Giatay niya.

What's Wrong With Her? (Lauron Series #1) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon