Prologue

815 14 9
                                    

DISCLAIMER: Any resemblance to real persons (living or dead), places, events, are purely coincidence. All informations that are here in the story are work of fiction. Except sa Eraserheads, syempre.


This is a typical story between 4 young lads and a girl, who both studies in UP Diliman. But one of the 4 young lads suddenly fell in love with that girl. Ano kayang mangyayari sa natitirang isang taon na pamamalagi nila sa UP? Magkikita pa kaya sila in the near future?

--------------------


Present


"Sigurado ka ba talagang uuwi ka na sa Pinas, Ria?" tanong sa akin Aya

"I think that's for good. Gusto ko na muna magpahinga from all the stress na binigay sa akin ng company na pinasukan ko" sagot ko

6 years na akong nagtatrabaho dito sa sikat na publishing company sa New York. Nagstart ako from Copywriter, hanggang sa naging Editor-in-chief.

"Jusko girl, kung kailan Editor-in-chief ka na, saka mo pa naisipang umuwi ng Pilipinas!"

"Ano bang sinabi ko? 'Di ba sabi ko gusto ko muna magpahinga. Nagegets mo ba ako?"

"Okay fine. Ipapaayos ko na yung tickets mo by tomorrow. At ikaw naman, simulan mo na mag-impake" utos sa akin ni Aya

"Yes, madam. I will."

Nagpaalam na s'ya na uuwi na. Kaya lumabas na s'ya ng condo.

Si Aya ang naging kaibigan ko rito sa New York. Luckily, s'ya rin ang unang Pilipinong nakilala ko rito. Hanggang sa pareho rin pala kami ng inapplyan na publishing company.

Hindi ko na lang talaga alam kung paano ko mapapasalamatan si Aya sa lahat ng naitulong n'ya sa akin dito.





It's 7pm in the evening. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin.

"Mag-iimpake ba muna ako? Or kakain muna ng dinner?"

Habang nag-iisip ako, nagulat ako nang biglang mag-ring ang phone ko

'Mira calling you on Messenger...'

Agad ko namang sinagot ang tawag nang makitang si Mira iyon

"Oh yes, hi Mira! Is there any problem?"

[Bakit parang gulat na gulat ka naman yata? By the way, kumain ka na ba? Dinner na d'yan sa NY ah]

"Ang dami mo namang tanong, isa-isa lang."

[Okay. Sorry. So now, answer my question na]

"Nadala lang ng emosyon. Hindi pa ako kumakain. Actually, pinag-iisipan ko ngayon kung kakain muna ako or I'll pack my things na"

[Pack your things- shit! So talagang uuwi ka na rito sa Pilipinas?] gulat na tanong ni Mira dahilan para matawa naman ako sa naging reaction n'ya

"Oo, bakit? Ayaw mo ba akong makita?"

[Aba syempre, oo- 'de joke lang. Gustong-gusto na kita makita, kami, kami nila Grace]

AlegriaWhere stories live. Discover now