SPECIAL CHAPTER 1

143 4 4
                                    

Ipa-publish ko po ang BOOK 2 mamaya around 12-2 AM. Kindly visit my profile later if you want to read it. Hope you still support the book 2.

HAPPY NEW YEAR EVERYONE! 🎇🎆 Enjoy! Lovelots. 💕

.....................

Ngayon ang araw nang fieldtrip nang mga anak ko. Maaga silang pupunta sa school nila at ako mismo ang maghahatid sa kanila.

"Daddy, take out." Dahil traffic at malapit naman na ang isang fast food chain, nagpasya akong dumaan nalang muna doon.

Stancie loves to eat. Sa kanilang tatlo ay siya ang pinakamatakaw, kahit nga yata maghapon siyang kumain basta may pagkain ay kakain siya. Kagaya ngayon, nag-almusal siya sa bahay at kauubos lang nang dala niyang egg sandwich tapos magpapatake out pa. May baon din sila at dala iyon ni Avi. Magkakasama silang tatlo sa bus na tatluhan ang upuan kaya panatag akong mababantayan din niya ang mga kapatid.

"Thank you, Daddy." Humalik pa siya sa pisngi ko nang makuha ang order namin.

Nakasunod sa likod nang sasakyan ko ang ilang guards na sasama sa kanila, ang iba ay nasa unahan namin at may nauna na din sa school.

"I have so many fries!" Bakas sa boses niya ang saya.

"You need to eat that na, Stancie, kasi hindi na yan yummy mamaya." Nilingon siya ni Avi na katabi ko sa harap.

Inihinto ko ang sasakyan ko sa mismong gilid nang school bus na sasakyan nila at kaagad namang bumaba nang sasakyan ang ilan sa mga guards at pinagbuksan nila ang mga anak ko.

"Take care, okay?" Napabuntong-hiningang bilin ko sa kanila.

Alam na nang mga teachers dito kung gaano ko protektahan ang mga anak ko dahil minsan na silang na-kidnap. Hindi naman nila ipinilit na sumama ang mga anak ko sa fieldtrip dahil sa nangyari noon but I want them to experience what fieldtrip looks like at gusto nilang pumunta, so I allowed them to join.

"Yes, Daddy." Sagot nila at yumakap saakin.

Hinalikan ko sila sa noo bago sila sumakay sa school bus. Nang makumpleto sila at umandar ang bus ay sinabihan ko ang isa sa mga guards na sundan na sila.

Sumakay na ako sasakyan ko nang hindi ko na sila matanaw at nagtungo sa kompanya ko. May mga papers akong kailangang pirmahan at pag-aralan.

"Good morning, Sir." Bati saakin ni Elissa, secretary ko.

Hindi ako bumabati sa kanila at sanay na sila doon. Naupo ako sa swivel chair at inumpisahang pirmahan ang dapat pirmahan. Tumunog ang telepono sa mesa ko at sinagot ko agad iyon.

"Sir, nasa baba daw po si Sir Viniel." Sambit nang secretary ko dahil ni-locked ko ang elevator sa floor ko.

Ayoko sanang magpaistorbo pero mukhang importante ang pakay niya kaya pinindot ko ang button para sa elevator.

"Let him in." Sambit ko bago ibaba ang telepono.

Umilaw ang button nang elevator hudyat na paakyat na siya. Sumandal ako sa swivel chair at hinintay ang pagpasok niya sa opisina ko habang pumipirma ako. One way glass ang buong floor kaya nakikita ko ang labas.

Itinigil ko lang ang pagpirma nang mamataan siyang palabas nang elevator at napapikit nang makitang hindi lang siya ang lumabas doon. Lahat nang kaibigan ko ay kasama niya.

"Pre, busy'ng busy naman. Tara inom!" Bungad ni Rai nang makapasok.

Siniko naman siya ni Lander dahilan para magharutan sila. Parang hindi mga businessman dahil sa kilos nila.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon