CHAPTER 84

181 3 34
                                    

AN: Sorry kung late na 'tong update. 😊 5,000 words, not bad! 😁😂 mahaba-haba na yan pambawi sa tagal ng update. ✌

FEEL FREE TO READ MY STORIES. 📖

√ CAMPUS KING MEETS CAMPUS QUEEN.

√ I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BROTHER.

√ LOVE ME IF YOU DARE.

√ I STILL LOVE YOU.

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS. 😊

MATURED SCENE! PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! BASAHIN LANG HUWAG GAGAYAHIN/GAGAWIN. 😊

ZANDREA'S POV

Nakaupo kami sa isang restaurant na paboritong kainan ng mga anak ko. We've been here many times na and nung mga panahong gusto kong mag-isip ay dito muna ako dumeretso. Ang kaibahan lang ay sa kabilang beach resort ako tumuloy.

"Eat your food, baby." sambit ko sa anak kong babae.

Kambal sila. Lalaki at babae, hindi ko din inaasahan dahil ang nakita lang sa ultrasound ko ay babae. Ang sabi ng OB ko ay siyang pinakamalikot kaya siya lagi ang nakikita aa ultrasound. Ngayon nga ay pinakatotohanan nila iyon dahil sobrang kulit ni Stancie.

"Mom, I want pancakes." sagot niya habang nakanguso.

"Walang pancakes sa gabi, baby, we will buy tomorrow morning, is it okay?" pakiusap ko pa.

Lalo naman siyang ngumuso at tumango. "How about waffles?" tanong pa nito habang tinutusok-tusok ng tinidor ang chicken na nasa plato.

"Wala din waffles sa gabi." ang anak kong lalaki na ang sumagot.

Meet my eldest, Stance and my youngest, Stancie.

"How about----" nag-isip pa ito. "Mommy, I don't want chicken." pagpapakatotoo nito.

"I thought you want chicken, baby?" hinaplos ko ang pisngi nito ng humarap siya saakin.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin saakin.

"What do you want, sweetie?" tanong ni Zach.

"She wants a chicken." Stance.

Naguguluhan kong sinulyapan ang plato ni Stancie. "That's chicken." mahinang sambit ko.

Ibinaba ni Stance ang spoon and fork niya at tinignan ako.

"Seriously, mom?" hindi makapaniwalang sambit niya. "She wants a real chicken and not a food."

Halos matawa si Zach dahil sa kaprangkahan ng anak kong lalaki. "But----" nangangapang sabi ko. "Saan ako kukuha ng totoong chicken?!" wala sa sariling tanong ko na natatawa na din.

"I saw some chicks over there." turo pa nito sa labas.

Nilingon ko ang itinuturo niya at nawala ang ngiti sa labi ko. Pinaningkitan ko pa ng tingin kung tama ba ako ng nakikita. Si Viniel iyon kasama si Rai at Lander. Kaagad na naglikot ang mga mata ko para hanapin ang taong hindi ko nakitang kasama nila. Pero bigo ako dahil hindi ko siya mahagilap.

"They're here." wala sa sariling sambit ko habang patuloy na naghahanap sa paligid.

"Who?" tanong din ni Zach.

Hindi ako sumagot at nanatiling naghahanap.

"Who's here, mommy?" tanong ni Stancie.

Doon ko nilingon si Zach at Stance na parehas na may nagtatanong na tingin. Si Stancie naman ay panay pa din ang dutdot sa manok na nasa harapan.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon