Chapter 30

298 6 0
                                    

Kyle's POV

Hindi na nawala yung ngiti ko magmula nung ngitian ako ni Zandrea. Hindi ko akalain na ngingitian niya ako ngayon.

First time yun ah! Haha

Natapos ang pag-a-attendance nung prof ng hindi ko man lang namalayan. Pero syempre nakapag-attendance ako, narinig ko pa din naman yung apelyido ko.

"Ngiting-ngiti, pre ah?" Pang-aasar ni Lander.

"Matunaw naman, Lim." Pang-aasar din ni Viniel.

"Fuck you! Wala kayong pakialam." Mahinang sagot ko sa kanila at nagtawanan lang sila.

"Mister Lim." dinig kong sigaw pero kagaya kanina ay hindi ko ulit iyon pinansin.

Badtrip! Bakit kasi hindi pa sumagot yung lintik na yun, eh. Naiistorbo tuloy yung tainga ko sa boses. Boses lang ni Zandrea gusto kong marinig kahit na tahimik siya.

"Mister Lim." Dinig ko ulit na tawag.

Tss! Paulit-ulit na ah.

Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ng mga kasama ko sa mesa. Pati na din yung mga kasama namin sa lab.

Boses pa naman ni Ma'am yon. Bakit ko alam? Syempre alam ko boses niyan. Haha paulit-ulit ba naman tawagin yung Mister Lim na yun, eh. Teka! What? Mister Lim? Lim apelyido ko, ah! Hehe may kaapelyido pala ako dito. Nako! Panigurado, maganda o gwapo din yun. Haha

Nakaramdam ako nang pangangalabit pero hindi ko iyon pinansin. Siguro ay nanti-trip nanaman itong si Rai palagi siyang ganyan eh.

"Mister Kyle Yrle Leisure Lim." Sigaw ni Ma'am.

Sino ba kasi yun. Teka! Pangalan ko yun ah? May kapangalan ako? Badtrip! Sino nanay at tatay nun? Gaya-gaya ng pangalan! Yung ngisi ni Zandrea kanina napalitan ng napakalawak na ngiti at halatang nagpipigil ng tawa.

"Kanina ka pa tinatawag ni Ma'am." Tumatawang sabi ni Zandrea.

Nagulat ako sa sinabi niya at kaagad na binalingan si Ma'am.

"Ah.. Hehe yes, Ma'am?" Tanong ko at nagtawanan naman sila.

Nakakahiya ka, Kyle.. Badtrip ka!

"I am calling your attention, five times already, Mister Lim!" Sigaw niya.

"Sorry, Ma'am." Sabi ko nalang.

"Nasaan ba ang utak mo, Mister Lim?" Sigaw ulit niya.

"Nandito." Alanganing sagot ko kay Ma'am sabay turo sa ulo ko.

Tss! Minsan naguguluhan talaga ako sa mga prof na 'to. Naging prof pa eh, commonsense lang naman yung tinatanong. Nasaan ba ang utak? Malamang nasa ulo diba? Kaya nagsitawanan silang lahat na nasa loob ng lab pwera kami ni Ma'am.

"Quiet!" Sigaw nya at natahimik naman sila. "Hindi ako nakikipagbiruan, Mister Lim." Nakasimangot na sabi niya.

Badtrip! Sino ba ang nakikipaglokohan? Eh nasa ulo naman talaga! Labo nito ni Miss. "Matalino ka pero ano nangyari ngayon? Tulala ka." Dagdag niya.

"May naalala lang po." Palusot ko.

"Oo, may naalala ano? Kaya titig na titig ka kay Miss Monte Villa, bakit? Kamukha ba siya ng ex mo?" Tanong niya.

Napangisi ako bago sumagot. "Kamukha po siya ng magiging Misis ko." Sagot ko na nakangiting tumitig kay Zandrea.

Naks!

Dinig kong sigawan nung mga kasama namin.

Napailing si Ma'am na nakangiti. "Quiet class." Paninita niya. "Akalain mo ba naman." Dagdag niya. "Inlove ka pala Mister Lim."

"Syempre Ma'am." Pagmamalaki ko.

"Pero may kasalanan ka pa." Pagpapaalala niya.

"Sabi ko nga po." Nahihiyang sagot ko.

"Okey, tama na yang asaran na yan. Naubos ang oras natin sa pagtawag ko kay Mister Lim." Napapailing na pang-aasar ni Ma'am.

"Sa pag-attendance kaya, Ma'am." Depensa ko.

"Kahit ano pa yan, basta sa susunod, Mister Lim. Kapag kaharap mo ang taong gusto mo huwag kang matulala. Dapat nga ipakita mo na nag-aaral ka ng mabuti. Yang si Miss Monte Villa, isa sa mga Dean's Lister, so, dapat ikaw din." Pangangaral nya.

"Opo, Ma'am. Asahan niyo po na makikita niyo pangalan ko sa Dean's Lister sa bulletin board." Lakas-loob na sagot ko.

"Aasahan ko talaga yan." Nakangiting sabi niya. Ipinain ko pa yata ang sarili ko.

Nginitian ko nalang si Ma'am at tumingin na muli kay Zandrea na ngayon ay nakayuko na. Kinikilig siguro 'to.

"Okay! Class dismissed!" Sigaw ni Ma'am.

Nagsilabasan na ang ilang sa mga nandito sa laboratory pero kami ay eto, ano pa nga ba? Syempre hinihintay sila Zandrea.

ZANDREA'S POV

Panay na ang irap ko kay Kyle dahil sa sinabi niya kanina. Hindi ko naman inaasahan na ipagsasabi niya iyon at napansin ko namang wala siyang pakialam kahit na may mga nagbubulungan na sa mga kasama namin dito.

"Tara na." Dinig kong sabi ni Austin.

Sabay-sabay na kaming lumabas at naabutan namin doon sa labas sila Kyle. "Oh bakit nandito pa kayo?" Tanong ni Miko.

"Hinihintay ko si Zandrea." Sagot ni Kyle at nauwi nanaman sa pang-aasar nila saamin.

Hindi ko nalang sila sinagot at naglakad nalang papuntang elevator. Pero sa kamalas-malasan nga naman. Laging puno ang elevator.

Hays! No choice, edi maghagdan.

"Aw, puno." Dinig kong sabi ni Venice.

"Kaya nga eh." Nanghihinayang din na sabi ni Yanah.

"Hagdan nalang tayo." Suhestyon ni Yexa.

"Elevator na tayo." Biglang singit ni Kyle.

"Puno kaya." Gulat na sabi ni Yanah.

Ngumiti lang siya saamin at naglakad pabalik sa elevator dahil nasa hagdan palang naman kami. Nung makarating kami lahat sa tapat ng elevator may card siyang in-swipe sa gilid tapos bumukas yung pindutan at pinindot yung Red button sunod ang number 1.

Ano 'to? Deal or No deal? Hahahaha tapos sinara na niya ulit. Then may lumabas sa taas na. 'Private.' Wow! Just wow!

"Meron pala nyan?" Ako na nagtanong dahil nganga yung mga kasama ko except yung kasama ni Kyle.

Tumango lang naman si Kyle sa tanong ko. "Sila Kyle kasi may-ari nitong school kaya kung mapapansin mo hindi ginagamit ng ibang students yan. Kami tapos family lang nila Kyle meron niyan." Patungkol ni Viniel don sa red button na yon.

"Hmm." Sagot ko habang tumatango. "Eh bakit kayo meron din? Kayo din may-ari nito?" Tanong ko.

"Ah.. hehe hindi pero syempre bestfriend kami nito ni Kyle eh." Viniel. "Tsaka magkakakilala ang mga magulang namin." Dagdag niya.

Hindi ko na siya sinagot dahil bumukas na ang elevator. At ang nakakagulat pa yung elevator boy lang ang nandoon at walang ibang estudyante. Pumasok na kami at naghintay na makababa sa first floor.

Nung makarating sa first floor hindi ko inaasahan yung makikita ko kaya hindi ako nakakilos kaagad palabas ng elevator ganoon din si Sam.

"Zaneta? Samantha?" Dinig naming sabi nung nasa labas ng elevator at gulat pa din kaming nakatingin sa kanya.

Minsan din nakakagulat na makita itong taong ito eh. Lagi nalang pakalat-kalat. Hindi naman siya basura!

:)

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon