ZANDREA'S POV
Nandito pa din kami ni Kyle sa mausoleum nila at hindi pa din siya matigil sa pag-iyak. Siguro ganon kahalaga sakanya yung kapatid niyang iyon lalo na at namatay din yung sumunod sakanya. Kawawa naman yung baby dahil 6 months lang siya. Pero sa pagkakaalam ko pwede namang mabuhay iyon kahit 6 months lang siya eh. Hinagod ko yung likod ni Kyle at maya-maya lang ay mataman na siyang nakatingin saakin.
Napatingin ako sa kamay kong hawak niya at gayon din siya. "Avisha is my daughter." Dinig kong sabi niya na siyang ikinalingon ko sakanya.
Nagsalubong ang mga kilay ko dahil don. "A--ano?" Utal ko pang tanong dahil baka mali lang ako nang narinig.
"Anak ko siya, Zandrea." Pag-uulit niya at maya-maya lang ay umiiyak nanaman siya habang nakayuko sa mga palad niya.
Hindi ako nakakilos kaagad at hinayaang pumasok sa utak ko kung ano man yung sinabi niya at dahan-dahan akong napatingin sakanya nung tanggapin nang utak ko kung ano man yung sinabi niya tsaka ako tumingin sa puntod na nasa tabi namin.
Bakit ba hindi ko napansin na 'H' ang nakalagay na middle initial nung kapatid at lola niya samantalang si Avisha ay 'G'. Hindi kaya yung girlfriend niya na namatay ang siyang ina ni Avisha? Aish! Ang gulo! Hindi ko alam kung maniniwala ba ako kahit nasa harapan at nasabi na saakin ni Kyle ang totoo. Ano pa bang hindi ko alam?
Tinignan ko si Kyle na nananatiling nakayuko habang umiiyak. Hindi ko lubos maisip kung paanong hirap ang pinagdaanan niya noong mamatayan siya nang girlfriend at nang anak. Okay lang sana kung isa sa kanila ang nabuhay eh, pero hindi, dahil namatay silang dalawa. Ang saklap naman.
Lumapit ako kay Kyle at niyakap siya tsaka hinayaang umiyak sa balikat ko. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya saakin. Hinagod ko yung likod niya dahil parang ngayon niya lang naiyak yung sakit nang pagkawala nang dalawang babae sa buhay niya kahit ilang taon na ang nakakalipas.
"Thank you." Pagpapasalamat niya nung matapos siyang umiyak.
Umalis na siya sa pagkakayuko sa balikat ko at pinupunasan na ang mga mata niyang namumula na. Iniabot ko sakanya yung panyong nasa bulsa ko at kinuha naman niya iyon nang hindi tumitingin saakin.
"Okay ka na ba?" Nag-aalangang tanong ko.
Tumango naman siya bilang sagot. "Kung hindi ka pa okay pwedeng-pwede kang umiyak sa balikat ko." Seryosong sabi ko.
Tumingin siya saakin at bahagyang ngumiti. "Okay na ako. Thank you." Nakangiti man siya pero hindi abot sa tainga niya.
Bumuntong-hininga siya bago hinawakan yung dalawang kamay ko. "Sorry. Sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo." Paghingi niya nang paumanhin.
Nginitian ko naman siya. "Okay lang. Alam kong masakit pa sayo yung nangyari kaya siguro hindi mo nasabi kaagad. Pero, salamat.. Salamat kasi sinabi mo pa din saakin." Sinserong sagot ko.
"Karapatan mo pa din namang malaman. Sana hindi ka magbago dahil sa nalaman mo." Nagbaba siya nang tingin matapos sabihin iyon.
"Bakit naman sana ako magbabago? Nang dahil lang sa nalaman ko? Hindi ako ganong tao, Kyle." Nakangiting sagot ko.
Hindi na siya sumagot at tinitigan nalang yung puntod nang anak niya. Bakas sa mga mata niya ang lungkot habang nakatitig doon. Napalingon lang ako sakanya nang magsalita siya.
"Malaki na sana siya ngayon. Siguro kung nasa tabi ko siya hindi ako malulungkot nang ganito." Panimula niya.
"Lagi naman siyang nasa tabi mo eh. Guardian angel mo na siya mula nung mawala siya." Tumitig lang din ako sa puntod habang sinasabi iyon.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...