Chapter 94

171 4 2
                                    

AN: may mga ilocano words akong babanggitin dito, guys! Kapag may internet kayo, search niyo nalang. HAHAHA bisaya sana kaso baka magkamali ako. Parehas akong hindi fluent sa dalawang salita pero gusto ko kasing may maiba naman dito sa story bago matapos.

PASENSIYA NA HINDI AKO NAKAPAG-UPDATE KAHAPON! MAY EMERGENCY EH. HOPE YOU GUYS ENJOY THIS CHAPTER 💕

"Heaven would never be heaven without you."


Zandrea's POV

Isang linggo akong pinagpahinga ng doctor dahil sa nangyari sa kamay ko. Buti nalang at hindi na-damaged ang buto ko sa pulso, hindi ko nalang din sinabi kila Mommy kung sino ang gumawa niyon.

Ayokong may kagalit sila.

"You need to rest, sweetie." malambing na sambit ni Daddy, hinaplos pa nito ang buhok ko.

"I'm fine, Daddy, hindi na po masakit ang kamay ko."

Nakita ko ang pag-alinlangan sa mga mata niya. "Can you tell Daddy about what happened in the park and--" natigil siya ng marinig ang boses ni Lolo.

Napatayo din ako ng magmadali si Daddy na lumabas ng kwarto ko.

I saw Lolo and my personal yaya. Nakayuko si Yaya Mari at umiiyak. "Why?" tanong ko kaagad.

"Go back to your room, Dreanna." utos ni Lolo pero hindi ako sumunod.

"I want to know why Yaya Mari--"

"No, Dreanna! Just go back to your room. Now!" galit ng utos ni Lolo.

"Just go, sweetie." utos din ni Dad na pilit akong pinapaakyat aa itaas.

Umiling ako. "Why do you have to shout at her?" naiiyak ng tanong ko.

Nakita ko ang pagkairita ni Lolo, sumulyap saakin si Yaya Mari at sinesenyasan akong umakyat na sa taas. Nag-alinlangan ako pero sumunod pa din kahit na labag sa loob ko.

Halos takbuhin ko ang hagdan hanggang sa kwarto ko at i-locked iyon.

Alam ko kung anong mangyayari kay Yaya Mari at wala akong magawa tungkol doon. Wala akong lakas ng loob na pigilan si Lolo dahil siya ang nasusunod sa bahay na ito.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makarinig ako ng ingay mula sa labas ng bahay kaya sumulyap ako doon na sana ay hindi ko nalang ginawa. I saw Yaya Mari leaving our house with her big luggage. She's crying, alam kong ayaw niyang umalis pero gaya ko ay wala siyang magawa.

"Yaya Mari." tawag ko pa sa kanya ng makitang pasakay na siya ng golf cart.

Lumingon siya saakin at kaagad akong tumakbo pababa para puntahan siya.

"Dreanna!" malakas na sigaw ni Lolo ng lapitan ko si Yaya Mari.

Niyakap niya ako kaagad at ganon din ako sa kanya. Palakas ng palakas ang hikbi ko dahil naririnig ko ang malakas niya g pag-iyak.

"Yaya Mari, please don't leave me." pakiusap ko.

Inalis niya ako sa pagkakayakap sa kanya at hinaplos ang mukha ko, pinunasan pa nito ang mga luhang patuloy na tumutulo sa pisngi ko.

"Isipin mo nalang na nagbakasyon ako ha? Para hindi ka na umiyak." pakiusap pa nito. "Soon, magkikita ulit tayo, makikita mo ulit si Yaya Mari."

Umiling ako. "No, Yaya, please, please, don't leave me." pagmamakaawa ko.

Hindi siya sumagot at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman kong may humawak sa mga braso ko at nagpumiglas ng makitang mga bodyguards ko iyon.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon