FEEL FREE TO READ MY STORIES. 📖
√ CAMPUS KING MEETS CAMPUS QUEEN.
√ I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BROTHER.
√ LOVE ME IF YOU DARE.
√ I STILL LOVE YOU.
Lander's POV
Halos maubos na namin yung inorder ni Rai ay hindi pa din bumababa yung dalawa. Inip na inip na nga kaming dalawa at nagsasawa na ko sa pagmumukha ng kaharap ko.
"Ano na kayang nangyari sakanila?" bagot kong tanong.
"Baka may nangyari? Alam mo naman iyon si Kyle, kukupad-kupad." natatawang sagot niya at binato ko naman siya ng ketchup ng pizza.
"Tss. Alam niya kasi ang salitang respeto. Ikaw kasi hindi!" pambubuska ko.
Binato din niya saakin yung ibinato ko. "Nagsalita ang alam ang salitang respeto ah?!" ungot niya. "Pwede din namang may nangyari na sakanila doon ah. Tatlong oras na kaya silang nasa itaas. Sa tingin mo tatagal sila ng tatlong oras kung mag-uusap lang sila? Kami nga ni Yexa hindi tumatagal ng tatlong oras na nag-uusap ng deretso sa personal eh." mahabang litanya niya.
Inilingan ko siya. "Patay ka kay Tito kapag nabuntis mo yan si Yexa ng hindi ka pa kasal." pananakot ko.
"Gago! Sex agad iniisip mong ginagawa namin? Mangumpisal ka nga ng hindi puro kademonyohan yang nasa isip mo." depensa niya.
Pinagtawanan ko siya dahil para siyang guilty sa sinabi ko. "Pakasalan mo na kasi. Ilang buwan ka ng tigang oh." pang-aasar ko pa sakanya.
"Gago!" mura niya at tumayo tsaka ako inambaan ng batok habang nasa kabila siya ng mesa.
"Hanggang dito ba naman sa bahay ko ganyan ang maririnig ko sainyo? Magsilayas na nga kayo!" natigil lang kami ng marinig namin ang boses ni Kyle.
Naupo naman ng maayos si Rai. Tinitigan ko si Kyle at iba ang aura niya. At namumula din ang mga mata niya.
"Natulog ka ba?" tanong ko sakanya at hinanap si Zandrea sa likuran niya pero wala siya doon, kahit sa sala ay wala din.
"Napagod ka no?" tanong din ni Rai.
Nangunot ang noo nito at napalingon sa salamin na nasa tapat ng pinto papasok ng kusina.
"Tss. Hindi." tanggi niya at nagtungo sa sink para maghilamos.
"Si Zandrea?" may pag-aalangan pa sa boses ni Rai ng magtanong.
Nagkatinginan kami at sabay na napangisi at alam kong iisa lang ang nasa utak namin.
"Nasa taas." walang kagatol-gatol na sagot niya.
Naupo ako paharap sakanya at idinantay ang siko sa head rest ng upuan at sa mesa naman ang kabila.
"So..." pabitin kong tanong dahil pumasok siya sa cr at paglabas ay may hawak ng face towel. "Kamusta naman ang pag-uusap niyo?" tanong ko at natigil siya sa pagpunas ng mukha at tinignan ako.
"Okay naman." maikling sagot niya.
Lalong lumawak ang pagngisi ko dahil sa sagot niya. Hindi siya ganon sumagot kapag nagtatanong kami pwera nalang kung badtrip siya. Dati ay magku-kwento na yan kaagad pero mukhang hindi mangyayari ngayon.
"Okay naman?" balik-tanong din ni Rai.
Nagsalubong ang kilay ni Kyle at nakapameywang na naglakad palapit sa mesa. Tinignan pa ang mga nagkalat sa mesa.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...