Chapter 55

212 5 1
                                    

Bree's POV

Day-off ko ngayon at bored na bored na ako sa bahay kaya napagpasyahan kong lumabas na muna at dahil maaga pa naman, naisip kong dumaan na muna sa mausoleum namin. Gusto ko pa naman sanang isama si Leisure kaso hindi daw siya umuwi kagabi. By the way, I'm Brianna Shantal Belvedere Lim.

Saan nanaman kayang lupalop nagpunta yung batang iyon? Wala din naman daw siya sa condo niya, ayon sa guard. Hindi kaya sa bahay nila Zandrea natulog iyon? Yieh! I wish na sana magkaroon na ako nang pamangkin, tutal graduating naman na sila kaya hindi sila matitigil sa pag-aaral. Hehehe

Binati ako nung guard at nginitian ko lang naman siya tsaka nag-park sa isang tabi. Nagsalubong pa ang kilay ko dahil pamilyar ang kotseng katabi ko at hindi ako pwedeng magkamali, kay Leisure iyon.

Dito kaya siya natulog? Tss. Boba, Shantal, nakikita mo na nga yung ebidensiya nagtatanong ka pa? Leche!

Dumeretso ako kaagad sa mausoleum namin para alamin kung dito ba talaga siya natulog o maaga lang siyang nagpunta dito. Hindi naman iyon naka-lock kaya kaagad akong nakapasok. Inilibot ko pa ang paningin ko pero wala siya sa mismong puntod kaya dumako ang mata ko sa hagdan kaya maingat akong umakyat doon para gulatin ang kapatid ko. Gawain ko iyon mula pa noon kaya nga minsan inis na inis siya saakin.

Nag-alis ako nang stilletos para makatakbo kaagad once na magulat ko siya. Maingat ko ding binuksan yung pinto nang kwarto at dahan-dahang sumilip doon pero nanlaki ang mata ko dahil sa nasilip ko.

Imbes na ako ang manggugulat ako pa talaga ang nagulat ah. Tss. Magkatabi lang naman si Leisure at Zandrea sa kama. Ang maganda pa doon ay magkayakap sila. Hehehe

Umayos ako nang tayo at kinuha yung cellphone ko mula sa sling bag ko at pasimple silang kinuhanan nang litrato. Maganda talagang ideya na nagpunta ako dito. May pang-blackmail na ako kay Leisure. Ang talino ko talaga. Hahaha

Itinago ko na yung cellphone ko nung maumay akong manguha nang litrato sakanila. Dahan-dahan ko pang binuksan yung pinto para hindi sila magising at nagtungo sa single sofa na malapit sa kama. Iniharap ko iyon sa gawi nanag kama at nagpandekwatrong naupo at matiyagang hinintay silang magising.

I'm so excited tuloy kung anong magiging reaction nila once na makita nila that i'm sitting pretty here in a single sofa. I can't wait to see their priceless reaction. Mukhang magiging epic 'to. Hahaha

Napasimangot lang ako nang mainis ako kakahintay na magising yung dalawa.

Hindi ko naman akalain na tulog mantika itong dalawang ito. I hate waiting pa naman. Tss. May kasabihan kasi na HINDI DAPAT PINAGHIHINTAY ANG MAGAGANDA kaya gagawa ako nang paraan para magising na itong dalawang ito. Ano kayang ginawa nila kagabi para mapuyat sila?

Napangisi ako sa naisip ko dahil kalaswahan ang pumasok sa isip ko. Ipinilig ko yung ulo ko dahil don kaya hinablot ko yung vase na nakita ko sa center table at sinadyang ihulog iyon kaya nagising yung dalawa sa lakas nang pagkakabasag nang vase. Kunwari panh tinutop ko yung bibig ko at inosente silang tinignan para kunwari hindi ko sinasadyang natabig iyon.

Ang galing ko talagang umarte! Pwede na akong mag-artista. Pero ayoko pa din. Gusto ko tago lang ang ganda ko. Hehe

"What are you doing here?" Inis na tanong kaagad nang kapatid ko.

Humalukipkip ako at taas-kilay siyang tinignan. "Eh, ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at napatingin pa kay Zandrea na nakayuko at nagkukutkot nang hinlalaki. "Dito mo pa talaga siya dinala? Pwede naman kayo sa bahay, bakit dito pa? Ang cheap mo ah! Ang dami-dami nating hotels tapos dito mo pa siya dinala---" mahaba kong panenermon pero pinigilan niya ako.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon