SAMANTHA'S POV
Maaga akong nagising dahil nagugutom ako, kaya maingat akong bumangon at lumabas ng kwarto para pumunta sa kusina. Binuksan ko yung ref at nagtingin ng pwedeng kainin. Nakakita ako ng ubas kaya kinuha ko iyon at kinuha ko na din yung ketchup tsaka isinawsaw doon ang ubas. Halos maubos ko na nga yung isang kilo ng ubas eh. Ibinalik ko sa ref yung natira at nagtingin pa ng panibagong makakain. Lagi akong ganito kapag madaling-araw pero hindi ko na ginigising si Viniel dahil madami namang stock sa bahay nila. May nakita akong ice cream doon at nag-aalangan akong kuhanin dahil hindi naman iyon saakin pero ang sabi naman ni Kyle ay pwede naming kainin anuman ang gustuhin namin dahil nga sila lang ang nag-grocery saaming lahat.
"Konti lang naman ang kakainin ko eh, diba baby?" Pagkausap ko pa sa baby ko at hinimas ko pa yung tiyan ko.
Nanguha ako ng bowl sa drawer at nagsalin doon ng ice cream tsaka inumpisahang kainin iyon
Medyo malaki na yung tiyan ko at nahahalata na kapag tinitigan yung tiyan ko. Loose shirt na ang isinusuot ko dahil wala naman ng pasok at nagsabi na ako sa guidance na kung pwedeng sibilyan na ang suotin at pumayag naman sila.
Excited na nga kaming sabihin sa mga kaibigan at pamilya namin ang gender ng baby namin. Hehehe check-up ko kasi kahapon at doon din namin nalaman ang gender.
Inubos ko yung ice cream at hinugasan yung mga ginamit ko dahil nakaramdam nanaman ako ng antok, busog nanaman kasi ako eh, kaya inaantok nanaman ako.
Papasok na sana ako sa kwarto ng maisipan kong pumunta kay Zandrea dahil parang gusto ko siyang makatabi.
Ang bango kasi niya eh. Kaya gustong-gusto kong natutulog sa bahay nila dahil kahit hindi ako sa kwarto niya natutulog ay lagi ko pa din naaamoy yung amoy niya dahil para niya na iyong natural scent kaya pati sa kwarto niya ay naiiwan iyon.
Umakyat ako ng 3rd floor dahil lahat ng nasa 2nd floor ay pawang mga guest rooms lang.
Ewan ko lang kung lahat ay guest rooms.
Dahan-dahan kong pinihit yung doorknob at nagbabakasakaling hindi iyon naka-lock at sana lang hindi ako mabigla sa kung anumang makita kong eksena sa loob. Ipinasok ko yung ulo ko sa may pinto at hinayaang makapag-adjust yung mata ko sa dilim. Tuluyan na akong pumasok ng maaninag ko yung kama at nakitang mag-isa lang ni Zandrea doon. Alam kong si Zandrea iyon dahil mahilig siyang magtalukbong. Inilibot ko yung tingin sa kabuuan ng kwarto at nakita ko si Kyle na nasa sofa.
Gentleman naman pala talaga ang mokong.
Excited akong nagtungo sa higaan at hinila ang kumot kay Zandrea para makapasok ako sa loob. Kaagad naman siyang bumangon dahil doon.
"Sam?" Nagtatakang-tanong niya.
Niyakap ko siya sa bewang. "Ssshhh! Baka magising si Kyle, matulog ka na ulit." Paninita ko.
"Nag-away nanaman ba kayo ni Viniel?" Tanong niya na umayos ng higa.
"Hindi ah. What made you think na nag-away kami?" Tanong ko.
"Sa tuwing uuwi ka kasi sa bahay ay nag-aaway kayo." Sagot niya.
Hinigpitan ko nalang yung pagyakap sakanya at hindi siya sinagot. Nakita ko namang pumikit na ulit siya kaya pumikit na din ako.
KYLE'S POV
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko kaya naupo ako sa sofa at tinignan si Zandrea. Nangunot pa ang noo ko dahil iba na yung damit na suot niya. Nakatalikod kasi siya sa gawi ko kaya tumayo ako at napangiti lang ng makita si Sam na ang higpit-higpit ng yakap kay Zandrea. Nagtungo ako sa banyo at naghilamos tsaka nag-toothbrush. Hindi ko na ginising yung dalawa dahil alam ko namang pagod sila kaya bumaba nalang ako to see my friends restless.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...