AN: HINDI KO NA NA-RETRIEVE YUNG IBANG NAISULAT KO KAYA NAGSULAT AKO NG PANIBAGO. 😊 HOPE YOU ENJOY GUYS. AND SORRY SA MATAGAL NA PAGHIHINTAY. 😘
KYLE'S POV
Kapapasok ko palang ng gate ng subdivision namin ng ihinto ko yung sasakyan ko sa madilim na parte ng subdivision namin. Wala pang nakatayong bahay doon kaya medyo madilim pa siya. Malapit-lapit na din naman yung bahay namin. Hinatid ko din si Zandrea kanina at dumeretso lang ako sa condo ko para manguha ng ilang gamit dahil doon ako sa bahay uuwi mula ngayon. Bukas na ang exam at hindi ako sigurado kung makakapag-exam ako ng maayos. Wala pa nga akong isusuot para sa graduation ball. Ilang minuto pa akong naglagi dito ng mapagpasyahan kong umuwi na.
"Good evening, Sir." Bati saakin ng isa sa mga kasambahay namin.
"Sila Mommy?" Tanong ko kaagad dahil sobrang tahimik ng bahay.
"Nasa taas na po, Sir." Sagot niya.
Tumango ako at dumeretso na sa taas.
Alam ko namang nasa kwarto sila na katabi ng saakin kaya doon na ako nagpunta. At tama nga ang hinala ko dahil nakita ko silang magkatabi sa kama at nagbabasa ng libro. Sabay silang napalingon saakin ng buksan ko ang pinto.
"DADDY!" Malakas at tuwang-tuwang sambit ni Avisha.
Lumuhod ako upang magpantay kami ng tumakbo siya papalapit saakin. Kaagad siyang yumakap sa leeg ko at hinalikan ako sa buong mukha kaya natatawa ako habang naglakad papunta sa kama.
"Iwan ko na kayong mag-ama." Nakangiting sambit ni Mommy.
Siya kasi ang kasama niya at malamang ay binabasahan nanaman siya ng bed time stories. Hilig niya iyon kaya binabasahan namin siya bago matulog.
Noong death anniversary nila ay nagpunta akong US at kaya hindi ako kaagad nakauwi ay dahil kay Avisha. Itinago at inilihim nila saakin na buhay siya noon dahil natakot daw sila na hindi na nila siya makita lalo na at dito kami sa pilipinas titira.
Nagalit ako noong una pero ano pa nga bang magagawa ko diba? Kaya pinatawad ko nalang sila para sa anak ko.
Hindi ko pa man napapatunayan na siya nga ang anak ko ay hindi ko na kailangan pang alamin kung anak ko nga siya dahil unang kita ko palang sakanya ay iba na ang naramdaman ko. Hindi nila kaagad sinabi saakin na anak ko siya. Natapos ang death anniversary nila ng malaman kong anak ko siya dahil noon lang nila sinabi. Kahit na pina-DNA test nila kaming dalawa ay hindi ko na hinintay pa ang result non dahil alam ko sa sarili ko na anak ko siya. Iyon yata yung sinasabi nilang lukso ng dugo.
Balak kong sabihin sa mga kaibigan ko ang tungkol sakanya pagkatapos ng graduation ball kaya pinapapunta ko sila dito. Balak ko naman na talagang sabihin kay Zandrea pero kapag kasama nalang siguro namin ang mga kaibigan namin dahil baka magalit siya at hindi ko nanaman alam ang gagawin ko.
"Why are you still awake, baby?" Tanong ko.
"I'm waiting for you to go home, daddy." Sagot niya.
Naupo ako sa kama at kaagad siyang naupo sa kandungan ko. Nakangiti siya habang nakatitig saakin.
"It's late, baby, you should be asleep." Nakangiti ko pang sambit.
"I want you to read some stories for me, daddy, please? Pretty please?" Nagpacute pa siya.
"Okay, okay. I'll just change my clothes, baby." Sagot ko at hinalikan siya sa noo.
Binuhat ko siya palabas ng kwarto niya at nagtungo sa kwarto ko. Inilapag ko siya sa kama bago ako nagpunta sa banyo para magshower ng mabilis at ng matapos ay nagpalit ako sa walk-in-closet ko tsaka lumabas. Naabutan ko siyang kinakalikot yung cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...