Chapter 40

303 8 0
                                    

Zandrea's POV

Ang sarap ng tulog ko at hindi ko alam kung bakit. Napatingin ako sa wall clock na nasa kwarto at kinuha yung cellphone ko.

5 am palang pala. Bakit ang aga ko nagising? Eh 7 am pa naman pasok ko.

Botohan nga pala ngayong araw kaya half day lang kami. Tinignan ko yung phone ko at nakita kong may nagtext.Yung unknown number at sila Sam. Una kong inopen yung message nila Sam.

Best Sam: Goodnight best. See you tom. We can do it. Goodluck! Muah.

Napangiti ako sa text niya dahil kahit may Viniel na siya hindi pa din niya nakakalimutang magtext saakin.

Sunod kong inopen yung messages nila Miko at goodnight at goodluck din ang natanggap kong text mula sa kanila. Ang sarap magkaroon ng mga kaibigang tulad nila. Hindi ko akalaing magkakaroon at madadagdagan pa ang mga kaibigan namin ni Sam. Huli kong inopen ay yung text nung unknown number kagabi.

Unknown Number: Grabe ka talaga sakin. Kanina lang ang bait-bait mo tapos ngayon ang sungit-sungit na. Gusto mo bang puntahan ulit kita? Mabait naman sakin si Tita eh. Boto yata siya saakin.

OMG! Si Kyle pala 'to? Hindi kasi nagpapakilala yan tuloy nasungitan ko. Di bale na magsosorry nalang ako. Inopen ko ulit yung isa pa niyang text na hindi ko na nabasa kagabi dahil nakatulog na ako at nakasilent yung phone ko.

Unknown Number: Goodnight, babe! Takecare. Iloveyou! see you tomorrow.

Bigla nalang akong napangiti nung nabasa ko yung text niya. Parang nahuhulog na ako sa taong 'to. Tss! Pero syempre titignan ko muna kung talagang seryoso siya saakin. Ayoko ng maloko ulit 'no. Sinave ko yung number niya tsaka ako bumangon para maligo. 30 minutes na pala akong gising at nakahiga pa din ako.

Nung matapos akong maligo kinuha ko yung phone ko tsaka tinext sila Sam.

Good Morning! Kamusta tulog mga be? See you later. Goodluck saating lahat. Ingat.

Ibinaba ko yung phone ko tsaka nag-umpisang mag-ayos ng sarili. At nung matapos akong mag ayos tsaka lang ako tumayo para maghanap ng masusuot. Nakita ko yung binili kong dress at hindi ko pa iyon naisusuot.

Bakit ba ang hirap maghanap ng masusuot gayong ang dami ko namang damit? Alam kong madalas na problema 'to ng mga babae.

Naupo ako sa harap ng salamin at nagblower ng buhok. Ayoko naman kasi pumasok na basang basa yung buhok lalo na at yung dress na susuotin ko eh halata kapag basa. Habang nagpapatuyo ako ng buhok nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Pasok." Sigaw ko sa kung sino mang kumakatok sa labas.

Pumasok yung isa sa mga helper namin at napangiti nung makita ako.

"Ang ganda naman ng dalaga namin." Nakangiting sabi ni Ate Mara.

"Ikaw talaga, Ate Mara. Ang aga-aga nambobola ka."

"Nako, Zaneta. Hindi yun biro. Dati ka ng maganda." Zaneta kasi tawag nila saakin kapag ako lang ang kaharap nila at yung ibang mga helpers at drivers namin. Hindi kasi pwede kay Tita na tawagin ako sa pangalan ko. Pwede naman kaso may Ma'am.

"Tss. Ikaw talaga, Ate Mara. Oh? Why are you here by the way? Bobolahin mo lang yata ako kaya ka nagpunta dito eh." biro ko pa.

"Nako, hindi ah. May naghihintay kasi sayo sa baba." kinikilig pa kunwaring sagot niya.

"Sino?" nagtatakang tanong ko. Wala naman kasi akong inaasahang bisita lalo na at may pasok.

"Yung lalaking nagpunta dito kagabi." Nanunuksong sagot niya. !

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon