Chapter 98

154 5 0
                                    

ENJOY READING GUYS!

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS. 😊

MAG-DEDICATE DIN PALA AKO SA MGA PATULOY NA NAGBABASA NITO. SIGURO SA MGA SUSUNOD NA CHAPTERS NALANG. 😊

Zandrea's POV

Isang masuyong halik ang nagpagising sa diwa ko at hindi ko na kailangan pang lumingon, alam na alam ko kung sino iyon, his manly scent, the way he kiss me, kung paano niya ako yakapin ng mahigpit.

"Good morning, love." malambing niyang sambit.

Nagmulat ako at sinulyapan ang wall clock. Nahampas ko ng mahina ang braso niya ng mag-umpisa nanaman itong maglumikot.

"Tanghali na," akma akong babangon ng higpitan niya ang yakap sa bewang ko. "Kyle, baka hinahanap na tayo ng kambal."

"Hmm?" napatagilid ang ulo ko ng halik-halikan niya ako sa leeg.

"K-kyle." utal kong pagtawag sa kanya.

Nakakaliyo ang paraan niya ng paghalik. Kahit gustuhin ko man ang sensasyong nararamdaman ay kailangan ko iyong pigilan dahil tanghali na.

"K-kyle, enough!" panunuway ko sa kanya. "Tanghali na."

Tatawa-tawa siyang lumayo. "I can't resist myself." paglalambing pa niya.

Bumangon ako at dumeretso sa walk-in-closet niya. Nagtingin ako doon ng susuotin ko. Nandoon pa din kasi ang mga damit ko na ikinagulat ko pa nung isang gabi.

Pagkatapos kong manguha ay naglakad na ako papuntang cr, nakita ko pa siyang nakasandal sa hamba ng pinto ng walk-in-closet niya at nakahalukipkip na nakatingin saakin.

Hindi ko siya pinansin at dumeretso sa shower. Mabilis lang ang ginawa kong pagligo dahil baka nga hinahanap na ako ng mga anak ko.

Pagkalabas palang namin ay nakanguso at hindi na agad maipinta ang mukha ng anak kong babae. Nakahalukipkip pa ito habang nakatingin saamin.

Natawa si Kyle. "Kanina ka pa niyan hinahanap. Gusto na ngang pumasok sa kwarto kanina." bulong niya.

Binuhat ko siya at iningusan naman niya ako at umiwas ng tingin.

"Nagtampo na." bulong ulit ni Kyle na kasabay namin sa pagbaba sa hagdan at nakaalalay.

Nakita ko pa ang mapang-asar na tingin nila Sam na nakaupo sa receiving area nila. Naupo naman kami sa harapan nila at lumapit kaagad si Stance saakin at yumakap sa braso ko.

"Grabe, miss na miss?!" natatawa si Sam habang tinitignan ang mga anak ko. "Oh, eh bakit nakasimangot ang baby girl namin?" tanong niya ng masulyapan si Stancie na nakasimangot.

"Daddy don't want me to go to their room because Mommy is still sleeping. I want to wake her up. I want pancakes." mahabang litanya niya.

"I cooked pancakes ah?!" si Sam.

"I don't want other pancakes." lalong ngumuso ang anak ko.

"Kain ka na muna. Ako ng bahala sa kanila." sambit ni Kyle na kagagaling sa kusina.

Tumayo na ako at kinuha naman niya si Stancie. Si Stance ay nakipaglaro na ulit ng lego kay Samviel. Sinundan ako ni Sam sa kusina.

"So anong balak mo?" she asked habang may kinukuha sa ref.

"Saan?"

"Sa mga kaibigan natin. Hindi pa nila alam diba?" naglakad siya patungo sa counter.

Nag-umpisa na akong kumain. "Sasabihin ko naman sa kanila at magpapakita. Pero uunahin na muna siguro namin yung sa kambal." sagot ko.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon