Chapter 70

141 1 0
                                    

FEEL FREE TO READ MY STORIES. 📖

√ CAMPUS KING MEETS CAMPUS QUEEN.

√ I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BROTHER.

√ LOVE ME IF YOU DARE.

√ I STILL LOVE YOU.

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS. 😊

ZANDREA'S POV

"Kayo po pala, Ma'am Zandrea." sambit niya ng mapagbuksan kami. Lumingon pa siya sa likuran ko, siguro ay hinahanap si Sam.

"Naiwan siya, hindi kasi pwedeng bumiyahe eh." sambit ko.

"Kaya po pala, nasanay po kasi ako na lagi kayong magkasama tuwing pupunta kayo dito." sambit niya.

"Si Lola Carmen?" tanong ko ng papasok na kami.

"Nandiyan po sa loob, pasok po kayo at pababa na din po siya." sambit niya.

Pumasok kami at bahagya kong pinisil ang kamay ni Kyle na hawak ko. Nilingon niya ako kaya nginitian ko siya. Inilibot nila ang tingin sa buong bahay ng makaupo kami. Kaagad namang nagbigwy ng meryenda yung kasambahay nila.

"Good morning po, Lola." sambit ko ng mapansin siya at kaagad na umakyat sa hagdan para alalayan siya at magmano.

Napangiti siya ng makita ako. "Good morning, iha." ganti niya.

Nagmano din ang iba ng tuluyan siyang makababa at maupo sa single sofa. Naupo naman ako ulit sa tabi ni Kyle. Pinakatitigan pa niya ang mga kasama ko lalo na ang katabi ko.

"Boyfriend mo na ba ang batang iba, Zan?" tanong saakin ni Lola.

Nakangiti akong tumango. "Opo, 'La. Si Kyle po pala." pagpapakilala ko sakanya. "Tsaka mga kaibigan po namin ni Sam." dagdag ko.

Nagpakilala naman sila isa-isa at lalong natuwa si Lola dahil madami kaming nagpunta kahit na wala si Sam.

"Mag-agahan nalang muna kayo, teka at magpapahanda ako." sambit ni Lola.

"Hindi na po, 'La. Para din po maaga kaming makabalik ng manila." tanggi ko.

Nangunot ang noo niya. "Babalik kayo kaagad ng manila? Kadarating niyo lang, hindi ba?" tanong niya.

Ngimi akong ngumiti. "Opo, 'La. May itatanong lang po sana kami sainyo eh, kaya po kami nagpunta dito." sagot ko.

"Tsaka madami din po kasi kaming aasikasuhin dahil nga po graduating kami at tsaka baka po magselos si Sam niyan dahil nagtagal kami dito." sambit din ni Yanah.

"Aba, iyong batang iyon ay hindi pa nga nagagawi dito." malungkot na saad niya. "Sige, kung hindi kayo magpapapigil ay dito na kayo mag-agahan." sambit niya.

Hindi na kami tumanggi at si Kyle ay lumabas saglit para kuhanin ang mga pasalubong na binili namin kanina para ibigay kay Lola. Nagpasalamat naman si Lola ng ibigay iyon. Kumain nalang muna kami at hindi nalang muna inopen ang tungkol sa pagpunta namin doon dahil ayoko din naman na mawalan ng gana si Kyle. Kaya ng matapos kaming kumain ay sinabi ko na kaagad ang pakay ko.

"Si Kyle po kasi, 'La, may nawawalang kapatid, I mean namatay---ano ba dapat?" napatanong ako ng malito sa sinabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga si Kyle. "May nawawala po kasi akong kapatid na akala namin patay na, pero nabanggit po ni Zandrea na kamukha po nung pinsan ni Sam yung picture nung kapatid ko noong baby pa." siya na ang nagsabi.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon