Chapter 41

273 6 0
                                    

Zandrea's POV

"Hindi ko kailangan takpan ang tainga ko ng dahil lang sainyo ng kaibigan mo. Oh, parang hindi mo kasama yung malandi mong kaibigan na si Zandrea ah?" Dinig kong sabi ni Angelica.

Tss. Sabi na nga ba at siya nanaman 'to.

"Parang narinig ko yung pangalan ko. Why? Namiss mo ako?" Mapang-asar kong sabi tsaka siya nginisian.

"Ha! In your dreams." mataray niyanf sagot.

"Ano nanaman bang problema mo?" Tanong ko dahil nakakaagaw na kami ng atensiyon.

"Wala naman. Trip ko lang kayong inisin." Nakangiting sagot niya.

"Sorry. Pero hindi kami ganon kabilis mainis at mas lalong hindi kami maiinis ng dahil lang sa pangungutya mo."

"Talaga lang ah?" Mapang-asar siyang ngumiti at humarap sakin. "Oh, hi kyle." Sabi pa niya tsaka lumapit kay Kyle at hinawakan niya sa kwelyo.

"Mas bagay yata sayong tawaging malandi kesa saakin." Sabi ko tsaka tinanggal yung kamay niya sa kwelyo ni Kyle.

"Don't touch me, b*tch!" Sigaw saakin ni Angelica tsaka niya hinila yung kamay niya.

"Diring-diri ka na sa lagay na yan? Mas malinis pa nga yung kamay ko kesa sayo." Mapang-asar ko pang sabi.

"What?" Sigaw niya at tangkang lalapitan ako pero pinigilan siya ni Kyle.

"Dumampi lang kahit dulo ng daliri mo kay Zandrea ako ang kakanti sayo." Madiing sabi ni Kyle. "Sa pagkakaalam ko lalaban kang president ng tourism? Ganyan ba ang ugaling ipapakita mo sa harap ng mga estudyante dito?" Dagdag pa niya.

"Hindi lang naman ako ang tatakbong president ah. Bakit ako lang sinasabihan mo? Diba yang babaeng yan din naman?" Duro niya sakin.

"Wala kang karapatang duruin siya, Angelica. Hindi ka naman niya papatulan kung hindi ikaw ang nauna kaya tumigil ka na." Panunuway ni Kyle.

Tumingin ng masama si Angelica saakin at kay Sam. "May araw din kayo saakin. Tandaan niyo yan." Inis niyang sabi tsaka umalis.

"Hihintayin ko yan." Pahabol na sigaw ni Sam. Hinamon pa. Inis na inis na nga saamin.

"Are you okay?" Tanong saakin ni Kyle.

"Oo naman. Wala naman siyang ginawa saakin." Sagot ko.

"Hi best." Nakangiting sabi ni Sam at mapang-asar na lumapit saakin para bumeso at bumulong. "Ang sweet." Bulong niya at nginisian ako.

Mang-aasar nanaman 'tong taong 'to. Ano pa nga bang bago? Eh lagi naman siyang ganyan.

Nginisian ko siya nung makita kong kasama niya si Viniel at inirapan niya lang ako. Ano na kayang estado ng dalawang 'to?

Nagbatian sila Kyle at Viniel at ganoon din naman kami ni Viniel.

"By the way, Viniel, anong meron sainyo ni Sam? Ang aga niyo yata?" Tanong ko at nginisian si Sam.

"Gusto ko kasi siyang makasama ng maaga." Sagot ni Viniel.

Ngiti lang din naman ang isinagot ko kay Viniel.
Naglakad na kami papunta sa harap dahil may nakareserve na upuan para saaming mga candidates. Nakakakaba naman. Naramdaman kong may humawak at pumisil sa kamay ko at napatingin ako sa katabi ko na siyang humawak sa kamay ko. Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa ginawa niyang iyon.

"Ehem." Dinig kong sabi sa harapan ko at pagtingin ko yung mapang-asar na mukha ng mga kaibigan ko at kaibigan ni Kyle ang nakita ko. Napabitaw tuloy ako bigla sa kamay niya at inirapan silang lahat.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon