Chapter 83

169 4 18
                                    

ENJOY GUYS! 😊

AN: walang work ang Ate niyo girl dahil sa lockdown kaya nakakapagsulat ako. Biruin niyo almost 4 hours ko lang itong sinulat at 3k words na siya. Dati ay ganito ako kung magsulat pero mula ng maging hectic sa work ay hindi na ako madalas makapagsulat. Anyways, highways! HAHAHAHA takecare of yourself guys. Thank you sa mga patuloy na nagbabasa. 😘😘😘

SA MGA MAKAKAHULA NG DAHILAN KUNG BAKIT INIWAN NI ZANDREA SI KYLE, I WILL DEDICATE THE NEXT CHAPTERS TO YOU/THEM. SO HULA NA! HAHAHAHAHAHA

READ THIS: YUNG SUSUNOD NA CHAPTER/S AY MAGIGING PRIVATE, IF YOU WANT TO READ IT, YOU NEED TO FOLLOW ME DAHIL BAKA MA-REPORT YUNG CHAPTER NA IYON. ALAM NIYO NAMAN NA SIGURO KUNG BAKIT NEED I-PRIVATE, HINDI BA? 😏😏😏 (nangangamoy matured scene/s. Hahahaha 😂)

VINIEL'S POV

Napahinto ako sa paglalakad ng mapagtanto kung sino ang hinahanap nila. Hindi ko akalain na si Zach pala ang hinahanap nila at ang masaklap pa ay kasama niya ulit si Zandrea.

"Balik na tayo." anyaya ko sa kanila ng mag-umpisa silang maglakad papunta sa gawi ng restaurant.

Glass wall ang restaurant at hindi malayong hindi kami mapansin kapag nakalapit kami doon.

"Ano ba? Tara na." pagpupumilit na anyaya ko sa kanila.

Knowing this two? Alam kong may hindi magandang mangyayari. Lalo na at nakita nilang kasama niya si Zandrea and worst may bata pa silang kasama.

"Alam pala niya kung nasaan si Zandrea?!" may galit na kaagad sa boses ni Rai.

"Hula ko palang na alam niya kung nasaan si Zandrea but here it is, makikita ko silang magkasama at masayang nag-uusap samantalang si Kyle, ayun at ang laki ng ipinagbago." walang bahid ng emosyon na sambit ni Lander habang nakatingin sa dalawa na masayang nag-uusap.

"Kung anuman ang dahilan ng pag-iwan niya kay Kyle silang dalawa na ang dapat mag-usap doon. Labas tayo sa kung anuman ang dahilan. Kung saktan may nila si Kyle ay doon lang tayo umaksyon." pagpapaintindi ko sa kanila, hindi ko magawang magalit dahil sa nalaman kong dahilan.

"Ano, ganon na lang iyon? Samantalang pwede naman sabihin ni Zach na alam niya kung nasaan si Zandrea para hindi ganyan ang ugali ngayon ni Kyle. Habang tumatagal mas lumalala ang ugali ni Kyle eh." sagot ni Rai na nilingon ako.

Hindi ko din sila masisi dahil lahat kami ay nakita ang malaking pagbabago ni Kyle.

"Kakausapin lang naman namin sila." walang ganang sambit ni Lander at nag-umpisang maglakad papunta sa dalawa.

Natigil lang siya ng may magsalita. "No need to talk to them." napalunok ako sa boses na iyon at napahinto naman yung dalawa sa paglalakad.

Kahit malakas ang tugtog ay nagawa naming marinig iyon. Nilingon namin si Kyle at nanatli naman ang tingin niya sa dalawa.

"From now on, I don't want anyone of you to talked to them." may banta na sa boses nito.

"Ayaw mo bang malaman ang dahilan?" sambit ko, medyo mahina ngunit sapat na para marinig niya.

Sarkastiko siyang natawa. "For what? To hurt me again?" walang gagatol-gatol na tanong niya.

Hindi ako umimik at gayon din yung dalawa. Pero ng akma siyang tatalikod ay naglakas loob ako na magsabi sa kanya.

"Nagkausap kami noon." sambit ko na siyang nakapagpahinto sa kanya. "Nagalit ako, I mean kami noon dahil sa ginawa niya sayo but when I found out the reason," bumuntong-hininga ako. "Lahat ng galit ko sa kanya nawala."

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon