Chapter 87

119 3 2
                                    

AN: MADAMING TYPO SA LAST UPDATE. KANINA KO LANG BINASA NG BUO HAHAHA PASENSIYA
SA MGA MAGTATAKA KUNG BAKIT TAGALOG SILA MAGSALITA, NAGPASYA KASI AKONG TAGALOG NALANG KESA MAGTRANSLATE PA AKO. HAHAHA

ZANDREA'S POV

Nakasakay kami sa speed boat at hawak ko si Stance. Si Stancie kasi ay hawak ni Zach dahil mas malikot ito kesa kay Stance. Baka hindi ko mapigilan at mahulog pa. Nagcheck-out na kami sa hotel na tinuluyan namin dahil doon kami sa isla mag-stay ng 2 days.

"Where are we going po?" tanong ni Stance.

"Sa Balabac, baby." sagot ko dahil iyon ang itinerary namin ngayong araw.

Kahapon sana iyon pero nagpasya kami na mag-stay nalang sa hotel room, although naligo naman sila Zach sa beach pero nagpaiwan nalang ako sa kwarto. Kaya naman niyang alagaan ang dalawa kahit wala ako, yun nga lang ay puro kalokohan ang naituturo minsan.

"KUYA! KUYA! Look! Look!" natawa ako sa excitement na sa boses ni Stancie ng magtuturo siya sa mga isdang naglalangoy sa ilalim ng boat namin, halos sabayan pa nila ito.

"Be careful, sweetie." sambit pa ni Zach dahil tumayo ito.

"Papa, can I hold them?" nilingon niya si Zach at itinuro ang mga isda.

Medyo mabagal na ang takbo dahil magstop daw kami sa isang part dito na may buhangin.

"Later." sagot nito at binuhat na si Stancie ng huminto ang boat.

Nauna silang bumaba at ng maibaba si Stancie sa buhanginan ay si Stance naman ang kinuha. Hindi ko na hinintay na bumalik siya para alalayan ako kundi tinanggap ko nalang ang alok ni Mang Nestor, ang kasama namin na may-ari ng boat.

"Enjoy po kayo." nakangiti pang sambit niya saamin ni Zach.

Naglakad-lakad kami sa buhanginan at inalis nalang ang suot kong cover up. Nagbihis na ako kanina ng swimsuit ko at pinatungan nalang iyon. Wala kasi akong bakas ng stretch mark kahit isa kaya ang sabi ng iba ay hindi ako mukhang nanganak. Bumalik na din kasi ang hubog ng katawan ko pagkatapos manganak.

"Mommy, fish! fish!" sigaw pa ng anak ko na kasama na ni Zach sa tubig.

Panay naman ang kawag ng anak ko dahil natutuwa ito sa mga isdang nagpapaikot-ikot lang din sa kanila.

"You want to go with them, kuya?" tanong ko sa anak kong lalaki.

Sometimes I call him kuya at madalas naman ay baby. Ayaw na nga niyan magtapatawag ng baby dahil si Stancie lang daw ang baby sa kanila at hindi siya. Nakakatuwa lang na ang bata pa niya pero yung pagiging matured niya minsan ay hindi naaayon sa age niya.

"Later na po, Mommy, wala kang kasama dito eh." sagot niya.

Naupo ako para magpantay kami. "I will join you there naman eh." sambit ko.

Nilingon niya ako at ngumiti hudyat na sang-ayon siya sa gusto ko.

Naglakad kami palapit kila Zach at nakita ko pa ang saya ni Stancie dahil sa mga isda.

"Mommy, they have different colors po." sambit pa nito.

Pinasuot na siya ni Zach ng Swim Vest na may kasama ng Arm Floaties. Marunong naman silang lumangoy kaso nga lang ay mahihirapan ka ng paahunin si Stancie kapag walang vest.

"Papa, take off may vest na po, please." nagpacute pa ito.

Tinignan ako ni Zach at inilingan ko siya.

"Later nalang, sweetie, kasi saglit lang tayo dito eh." pakiusap niya.

"Okay po." ngumiti pa si Stancie.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon