FEEL FREE TO READ MY STORIES. 📖
√ CAMPUS KING MEETS CAMPUS QUEEN.
√ I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BROTHER.
√ LOVE ME IF YOU DARE.
√ I STILL LOVE YOU.
DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS. 😊
VINIEL'S POV
Nasa isang sikat na boutique kami dahil titignan namin kung okay na ba yung damit namin para sa birthday ni Viel.
"Okay na ko dito." napatigil kami sa pagbaba dahil doon.
"Ha? Are you sure? Hindi ka na bababa?" tanong ni Sam at umiling naman ito kaya wala kaming nagawa kundi iwan siya sa sasakyan.
Ganyan siya lagi, ayaw ng makipagsocialize sa iba at gusto nalang ay bahay-opisina nalang siya.
"Ano nanaman kayang drama non? Siya kaya ang nagpumilit na sumama siya tapos ngayon ay hindi naman pala bababa." mataray na tanong ni Sam.
"Don't mind him, he's always like that mula ng makauwi siya." sagot ni Ate Bree.
Nakalabas na si Kyle ng hospital at siya nga ang kasama namin na ayaw bumaba. Naging aloof na din siya although bumalik na siya sa pagtatrabaho sa company nila at sa company niya, ay iyon nalang ang lagi niyang pinagtutuunan ng pansin. Mag-iisang taon na mula ng makalabas siya, kinabukasan pagkatapos ng libing ng Tito niya noon ay nagising na siya.
"Wala ka pa din balita kay Zandrea?" mahinang tanong ko kay Sam.
Napag-usapan naman na namin ang bagay na iyon dati kaya kahit magtanong ako ay hindi na nya ako babarahin.
"Wala." maikling sagot niya.
Hawak niya sa kanang kamay si Viel na magtatatlong taon na next month.
"Sabihan mo sila Rai na Super Heroes ang theme ng birthday ni Viel. Ilang beses ko ng sinabi sayo." paalala nanaman niya at hindi ko pa nga talaga nasasabi hanggang ngayon.
"Tatawagan ko sila mamaya." sagot nito.
Bumalik kami ng sasakyan at dumeretso sa pinakamalapit na mall.
"Pagupitan natin si Viel?" tanong ni Sam.
Umiling ako. "Okay na ang ganyan, hon." sagot ko.
Mahaba na kasi ang buhok niya at mas gusto ko iyon kesa pagupitan siya. Hindi naman siya tumutol kaya hinayaan ko siya. Nag-vibrate ang phone ko at kaagad ko naman iyong tinignan dahil baka importante iyon. Nakatanggap ako ng text mula sa unknown number.
"Can we meet?" iyan ang nakalagay.
I ignored the text dahil baka kung sino lang iyon. Kung talagang importante ang dahilan ng pakikipagkita niya ay sana nagpakilala siya. Umabot ng hapon at hindi ko na pinagtuunan pa yung text na iyon hanggang sa makatanggap ako ulit ng text mula sa unknown number na iyon.
"Please, Viniel, I want to talk to you. -Zandrea." bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon.
Pero bakit ako ang tinetext niya ngayon? Bakit hindi si Sam o isa sa mga kaibigan niya.
Tinawagan ko siya para makasigurado na si Zandrea nga iyon, lumabas ako sa balcony para hindi kaagad marinig ni Sam na kausap ko si Zandrea. Humarap pa ako sa gawi ng pinto ng kwarto dahil nasa kusina si Sam.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
JugendliteraturZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...