ZANDREA'S POV
Dahil boring nagpunta kami sa dance floor sa baba. Nauna na sila Austin at Miko doon eh. Naubos na nga namin agad yung isang bote ng alak. Biruim mo kaming pito lang, ubos agad. Ibang klase! Kasalukuyan akong nasa dance floor ng maisipan kong lumabas muna. Dikit nang dikit yung mga lalaki eh. Mahirap na! Babae pa naman ako at kahit sanay na ako sa mga galawan ng mga lalaki dito siyempre ayoko pa din naman mahawakan sa kung saan-saang parte ng katawan ko. Bar ito kung tutuusin at normal lang iyon sa iba pero saakin hindi. May mga kakilala din kasi ako dito na nakita ko kanina at kilala ang magulang ko, ayokong may maisumbong sila na hindi maganda.
"Excuse me." Sabi ko sa mga nadadaanan ko.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay nagsindi ako ng yosi. Yes! At my age, nagyoyosi po ako. Pero kapag ganitong nagbabar lang kami at pag may iniisip ako.
Nakarinig ako ng pagtikhim sa gilid ko. "Can I seat here?" Tanong niya at paglingon ko si Kyle lang pala.
Tss! Anong ginagawa nito dito? Hays! Gusto ko nga sana mapag-isa muna eh.
"Do I have a choice?" Tanong ko na tinaasan pa siya ng kilay.
"Sa iba nalang ako kung ayaw mo." Sagot niya.
"Tss! Nandiyan ka na din naman eh. Edi maupo ka na." Iminuwestra ko pa yung upuan.
"Thank you." Sabi niya at hindi ko nalang siya pinansin.
"You smoke?" Tanong niya at napatingin naman ako sakanya at binuga yung usok sa mismong harap niya.
Tss! Nakikita na nga lang eh, magtatanong pa.
"Are you blind?" Balik-tanong ko din.
"No, i'm not." Sabi niya na medyo natatawa at pilit na iwinawasiwas ang usok na ibinuga ko sa mismong harapan niya.
"Hindi naman pala, nagtatanong ka pa." Mahinang pambabara ko.
"Bakit ba ang taray mo?" Tanong niya na panay ang sulyap sa hawak kong yosi.
"Not your business." Sagot ko at iniiwas ang tingin sa kanya.
"But i'm a BSBA Student."
"Tss! Who cares?" Sagot ko.
"Bakit mag-isa ka dito? Delikado dito lalo na at babae ka pa naman." Biglang sabi niya.
Hindi ko naman siya pinansin at itinuon nalang sa iba ang atension ko.
"Hey!" Sinilip niya ang mukha ko.
"Kaya ko ang sarili ko." Asar na sagot ko.
"Are you kidding me? Eh paano kung madami sila at iisa ka?" Pangungulit pa niya.
Bakit ba ang kulit nito?
"Huwag mong minamaliit ang kakayahan ko, Mister" Sinamaan ko siya nang tingin.
"Hmm.. Mister? So, pwede kang maging misis ko?" Tumatawang banat niya.
"Tss! Kapal! Wag mo nga akong pinepeste." Naiinis na sagot ko.
Kinginang 'to. Kung makabanat akala mo nakakakilig. Teka nga! Bakit ba bumabanat 'to ng ganon? Hindi kaya.. May gusto sakin to? Aish! No!
"Malay mo.. Matapos 'tong gabing ito na misis na kita." Tatawa-tawa pang sagot niya.
"Nagpapatawa ka?" Salubong ang kilay na tanong ko at nameke nang tawa.
"Oo siguro? Natawa ka nga eh." Sagot niya at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Umalis ka na nga dito." Pagtataboy ko.
"Ayoko. Hangga't hindi kita nagiging misis hindi ako aalis dito." Seryosong sabi niya at umiling-iling.
"Are you kidding me?" Nakasimangot na tanong ko.
"Seryoso ako." Sagot niya na ikinagulat ko pero hindi ko pinahalata.
"Yeah! I know! Kita ko nga sa itsura mo." Pambabara ko.
"Alam mo naman pala eh." Nakangising sagot niya.
"Seryoso ka talaga?" Tanong ko na ngumisi pa.
"Oo naman, why? Payag ka ng maging misis ko?" Nakangisi pa ding tanong niya.
"Oo," Maikling sagot ko na nakangisi at nakita ko namang nagulat siya at napangiti. "Oo, payag akong patayin ka kapag hindi mo ako tinantanan." Sagot ko at nawala naman yung ngiti niya.
"Tss.. Okey lang na patayin mo ako basta misis na kita." Natatawang sagot niya.
"Umalis ka na nga dito." Pagtataboy ko pa ulit sa kanya.
"Sabi ko nga hindi ako aalis dito hangga't hindi kita nagiging misis." Makulit na sagot niya.
"Edi mabulok ka diyan." Sabi ko sabay tayo at naglakad pabalik sa loob.
"Teka lang!" Pagpigil niya na hinawakan pa ako sa braso.
"Seryoso ako." Sabi niya.
"Tss!" Tanging nasagot ko at itinapon sa malapit na basurahan ang yosing hawak ko.
"Kung ayaw mo munang maging misis edi mister nalang." Tumawa pa siya nang malakas nang sabihin iyon.
"Siraulo!" Sabi ko at pinagpapalo siya na nasasalag naman niya.
KYLE'S POV
Nakita kong lumabas ng bar si Zandrea at bigla naman akong napatayo sa kinauupuan ko at nagtataka namang tumingin saakin ang mga kasama ko.
"Saan ka pupunta, pre?" Tanong ni Rai.
"Oo nga, saan ang punta mo?" Tanong din ni Viniel. "Uuwe ka na agad?" Dagdag pa niya.
"Hindi. May pupuntahan lang ako." Sagot ko na naglakad na papuntang pinto.
"Sa dance floor siguro 'to. Madami ng dikit ng dikit kay Zandrea eh." Pang-aasar ulit ni Rai.
"Selos agad, dre? Hindi pa kayo, hoy!" Pang-aasar din ni Viniel.
"Bakuran muna, tol. Baka maagaw pa." Sigaw ni Lander.
"Mga gago kayo." Sagot ko habang tumatawa.
Pagkalabas ko bumaba agad ako at lumabas ng bar para hanapin kung saan sumuot si Zandrea. Tss! Delikado dito lalo na at babae pa naman siya at ganon pa ang suot.
Nasaan na ba yun?
Nagpunta ako sa gilid ng bar at nakita ko siya don na.. Hays! Nagyoyosi. Tss!
Inasar ko lang siya nang inasar dahil nakakatuwa siyang asarin lalo na at namumula ang pisngi niya. Nagtangka siyang bumalik sa loob nang habulin ko siya at sabihing seryoso ako.
Dahil iyon naman ang totoo. Seryoso naman talaga ako nang sabihin kong gusto ko siyang maging misis. Ewan ko ba kung bakit nasabi ko iyon kanina pero iyon ang nasa isip ko.
Pinaghahampas niya ako na sinasalag ko naman at nang makitang lalo siyang nainis ay hinawakan ko siya sa pulsuhan at isinandal sa pader na nasa likod ko at tinignan siya sa mata habang pinipigilang matawa at tinignan ang mapupulang labi niya.
"Bitiwan mo nga ako! You jerk!" Sigaw niya at nagpumilit na umaalis sa pagkakahawak ko.
"Eh kung ayoko?" Tanong ko tsaka nilapit ng konti yung mukha ko sa kanya.
"Argh! Bitiwan mo ko sabi eh" Sabi niya na nagpupumiglas pa. "Ano ba, sisigaw ako dito." Banta niya.
"Go!" Hamon ko.
"Bitiwan mo ko, you bastard!" Sigaw niya at ang sakit sa tainga ng boses niya dahil sa lakas ng sigaw niya.
Dahil nag-uumpisa na nga talaga siyang mag-ingay at baka makaagaw kami ng atensyon dito. Bigla ko nalang siyang hinalikan sa labi at bago ko ipikit ang mga mata ko nakita ko ang gulat sa mga mata niya.
Alam kong lalo siyang magagalit sa ginawa ko but I don't care. Magalit na siya kung magalit pero ang lambot ang labi niya at hindi ako nagsising halikan siya ngayon.
:)
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...