Zandrea's POV
Nagising ako sa lakas ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Kulang na kulang ako sa tulog dahil kay Venice. Hays! Tumawag pa kasi siya saakin kaninang dumating ako at tumagal din iyon ng dalawang oras. Tamad akong bumangon sa higaan at kinuha yung bathrobe na nasa paanan ng higaan ko, isinuot ko iyon bago buksan yung pinto.
"Hi, princess." Bati nung nasa labas.
Nawala yung antok ko dahil sa narinig ko at napayakap sakanya. "Daddy! I'm glad your here na!" Masayang sigaw ko habang nakayakap sakanya.
"I miss you, princess." Tuwang-tuwa pang sabi niya na hinalikan ako sa sentido.
"I miss you too, dad. Where's mom?" Tanong ko nung umalis ako sa pagkakayakap sakanya.
"Nasa kwarto na, anak. Alam mo naman ang mommy mo, mabilis ng mapagod." Tatawa-tawang sagot niya.
Hinila ko naman siya papunta sa kwarto nila ni Mommy at pagpasok ko nakita kong nakahiga na siya sa kama nila.
"Mom." Mahinang tawag ko sakanya at tanging ungol lang ang isinagot niya.
"Puyat din kasi siya, princess, kaya nakatulog kaagad." Sagot ni Dad na naupo sa tabi ko. "Ang sabi niya ay tulog na tulog ka pa daw kanina kaya hindi ka na niya ginising, but I can't wait to hug and kiss my princess so I decided to waking you up." Nakangiti pang sabi niya.
"Daddy talaga, oh! Sobra mo akong namiss eh." Pang-aasar ko na siyang ikinatawa niya.
"By the way, I heard from your Tita and Manang na may pinuntahan ka daw kagabi kaya ka napuyat?" Pang-uusisa niya.
"Yes, dad. Family dinner po ng---uh, friend namin." Pagsisinungaling ko, hindi ko pa kasi siya formal na naipapakilala kaya ayokong sabihin na manliligaw ko siya.
"Really?" Nakataas ang kilay na tanong niya na para bang hindi siya naniniwala. "Oh baka naman manliligaw mo?" Nakangisi nang tanong niya.
Alam na alam talaga niya kung nagsisinungaling ako.
"Dad!" Suway ko at tumawa lang siya. "Tss.. Oo na, manliligaw ko nga. Sorry, hindi ko sinabi kaagad sainyo, tapos nagpaligaw ako ng hindi niyo man lang nakikilala." Sinsero kong paghingi ng paumanhin.
"It's okay, my princess. And besides, alam kong hindi ka gagawa ng ikagagalit namim ng mommy mo." He replied na ginulo pa yung buhok ko.
"Dad, i know that my hair is a mess, so please huwag mo ng guluhin." Marahan ko pang inalis yung kamay niya sa ulo ko.
"Kailan mo ipapakilala saakin ng pormal yung manliligaw mo?" Seryosong tanong niya.
Tumayo ako sa pagkakaupo at hinarap siya. "Kapag nakaalis na yung mga pinsan ko, dad." Nakasimangot kong sagot.
Binibiro ko lang naman si Daddy dahil alam niya na pupunta lahat ng pinsan ko sa side niya kapag nalaman nila na may nanliligaw na saakin. Paniguradong iinterogahin nanaman nila si Kyle at hindi papauwiin hangga't hindi nila nalalaman lahat lahat ng tungkol sa kanya. Except syempre yung mga hindi na dapat sinasabi. Ganon sila kabantay-sarado saakin dahil ako daw ang prinsesa ng pamilya namin kaya dapat lang na ingatan. Minsan nga naiisip ko noon na sobrang OA nila masyado pero ngayon narealize ko na kung bakit sila ganon saakin, para protektahan ako.
Malakas siyang tumawa na siyang ikinagising ni Mommy. "Zane!" Saway niya na siyang ikinatigil ni Daddy sa pagtawa.
"I'm sorry, sweetheart. Go back to sleep. Natuwa lang ako sa anak natin." Masuyo pa niyang hinaplos yung buhok ni Mommy.
Akala mo mga teenager kung umasta, eh.
"Good Morning, baby!" Nakangiti ng bati saakin ni Mommy na agad bumangon at naupo sa kama.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...