Chapter 89

121 3 3
                                    

THERE ARE SOME GRAMMATICAL ERRORS SO PASENSIYA NA. 😊

ZANDREA'S POV

FAST FORWARD...

Ilang buwan ang lumipas at naging okay naman ang pagtuturo ko sa klase nila Avisha. Hindi na siya ulit tumingin saakin ng nang-uuyam na tingin at hindi ko na ulit nakita pa si Kyle. Naglalakad ako papunta sa room ng mga anak ko ng mamataan ko si Zach na buhat si Stancie samantalang nakahawak naman sa isang kamay niya si Stance.

Nakangiti akong lumapit sa kanila. "Teacher told me that I am very good, Papa," masayang kwento ng anak kong babae. "Look!" itinaas pa nito ang kamay at iniharap kay Zach. "I have 5 stars po." dagdag niya.

"Wow! Very good naman ang baby girl ko." sagot naman nito.

Ngumuso si Stancie pagkasabi niyon. "But teacher told us that Kuya is excellent. May 8 stars po, Papa." sambit pa nito.

Tumigil sila at dahil nangunguna si Stance ay tumalikod ito ng sabihin iyon ni Stancie. Tinignan ko naman si Stance ng pasimple niyang ilagay ang braso sa likuran at makita kong mabilis niyang pinapahid ang braso para maalis ang nakatatak na star doon.

Ayaw na ayaw talaga niyang malungkot ang kapatid niyang babae.

Nang makasigurado si Stance na nabura na ang mga stars na nasa braso ay ipinakita niya iyon kay Stancie.

"See? I have 3 stars only." sambit pa nito na pinakita ang kamao.

Napansin ko ang hindi pa halos nabuburang ink sa may braso niya. Kaya doon niya iyon ipinapatatak ay para mabilis niya iyong mabubura.

"But I saw 8 stars awhile ago." nagtatakang sambit ni Stancie.

Tuluyan akong lumapit sa kanila dahil sa sobrang kulit ni Stancie ay paniguradong makikita niya ang hindi pa nabuburang ink sa braso ni Stance.

"Guni-guni mo lang iyon." napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya at siya namang hagalpak ng tawa ni Zach.

"Who teach you that?" medyo nagulat pa siya ng magsalita ako.

"Mommy!" tuwang-tuwang sambit ni Stancie pero hindi kumawala sa pagkakabuhat ni Zach.

Mas malapit kasi ang loob nito kay Zach kesa sakanya dahil spoiled ito kay Zach. "Narinig ko po sa mga classmates ko, they always say that word." sagot nito.

Hinawakan ko sa kamay si Stance at iginiya papunta sa cafeteria.

Wala kasing sariling cafeteria ang pre-school department dahil 15 students lang naman sila sa nursery, at 18 naman sa kinder 1 at 2. Nagpasya ang may-ari ng school na isama nalang sila sa elementary.

Nakahanap naman kami kaagad ng upuan dahil may hiwalay na mga upuan para sa pre-school at dahil ang iba naman sa kanila ay hindi na nagpupunta pa o doon kumakain sa cafeteria ay may naupuan sila. May mga extra namang upuan para sa parents na nagbabantay.

"What do you want?" tanong ni Zach.

Minsan ay nagpupunta siya dito para pagmeryendahin ang kambal dahil may time na hindi ko sila napuntahan at nakisuyo nalang ako sa Teacher nila dahil may kinailangan akong tapusin at importante iyon.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon