ZANDREA'S POV
Kinabukasan ay wala nanaman kaming prof sa magkasunod na subject kaya nagpasya kaming mag-early lunch para hindi namin maabutan ang madaming estudyante sa cafeteria. Tinatamad kasi kaming lumabas nang campus para lang kumain sa malapit na mga kainan.
"Cafeteria na tayo?" Tanong ni Yexa.
"Oo." Sagot ko sabay tango. "Ginutom ako dahil walang klase eh." Nagtawanan naman kami sa sinabi ko.
"Ako din, gutom na mga alaga ko." Sagot ni Austin na hinimas pa yung tiyan niya.
"Anaconda kasi alaga niyan." Tumatawang pang-aasar ni Miko.
"Tse! Bakla!" Sabi ni Austin.
"Makapagsalita ka parang hindi ka bakla ah." Balik pang-aasar ni Miko.
Pagdating namin sa canteen. Grabe! Sobrang dami na ng mga estudyanteng kumakain samantalang dati naman ay hindi napupuno ang cafeteria nang department namin.
"Bakit ang daming tao?" Tanong ni Sam na iginala pa yung tingin sa canteen.
"Oo nga 'no?" Yanah.
"Pupunta nanaman daw kasi yung apat." Pabulong na sabi ni Austin.
"Sinong apat?" Tanong ko.
"Nako 'teh?! Limot agad?" Maarteng sabi ni Austin.
"Ah! Oo sila." Sambit ko na napasulyap sa buong cafeteria at sa labas pero hindi ko sila makita.
Isang buong floor kasi ang cafeteria dito at bawat building nang iba't-ibang department ay mayroong sariling cafeteria.
"Diba may sariling cafeteria sa building nila? Eh bakit dito pa sila kumakain?" Tanong ko.
"Yun nga eh, kaya ang dami na tuloy kumakain dito." Austin.
Lagi tuloy puno ang cafeteria dito nang dahil sa kanila. Hindi na ako magtataka kung wala nang halos kumakain doon sa kanila dahil dito na sila saamin kumakain.
"Hayaan na nga. Tara na, baka mawalan tayo ng upuan."Anyaya ni Sam.
Nakabili na kami ng pagkain at papunta na kami sa upuan namin. Napangiti pa ako nang makitang baka te ang lagi naming inuupuan kaya doon ako dumeretso kaso pagkalapag na pagkalapag ko nung tray ng pagkain ko. May naglapag din sa mismong harapan ko.
"Nauna ako dito." Sabi ko nung makita ko kung sino yung walang galang na naglapag ng tray sa mesa namin.
"Ang luwang naman ng mesa" Sagot ni Kyle na ngumiti pa saakin.
"Kahit na, can't you see? Pito kami." Sagot ko na tinuro pa silang anim na papalapit na saamin.
"Yeah! I know, may bakante namang tatlo eh." Sagot ni Kyle.
"Oo nga. Tatlo! As in TATLO!" Pagdidiin ko pa. "Eh ilan ba kayo? Diba, apat kayo?" Dagdag ko pa.
"Pwede naman kaming humingi ng extrang upuan." Kyle
At talagang ipipilit pa.
Tinaasan ko siya ng kilay bago sinagot yung sinabi niya. "Makakaharang lang kayo sa daraanan." Sabi ko tsaka umupo.
"Wala ng bakante kaya dito na kami." Sabi niya din at umupo.
"Tss!" Ungot ko nalang.
Dinig na dinig namin ang mga bulungan sa loob ng cafeteria. Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan dahil wala naman akong mapapala doon, hindi naman ako mabubusog sa pagbubulungan nila.
"Why?" Tanong ko kay Kyle na nakatingin saakin habang nakangiti.
Umiling siya. "Nothing."maikling sagot niya.
Napatigil ang mga kaibigan ko nang mapansin si Kyle na nasa mesa namin. Ngumiti naman ito sa kanila at sinabing makiki-share nang mesa dahil wala nang bakante. Mataman naman akong tinignan nang mga kaibigan ko nung maupo sila. Walang nanganas na tumabi kay Kyle kaya bakante ang katabing silya niya.
Mahina akong siniko ni Sam dahil siya ang katabi ko at nang lingunin ko siya ay pinanlakihan niya ako nang mga mata at isinenyas si Kyle.
I shrugged. "Ewan ko diyan." Mahinang sagot ko at pinagtuunan nang pansin ang pagkain.
"Hi, ladies." Napaayos nang upo si Sam nang batiin kami nung isang lalaki na kasama ni Kyle, kung hindi ako magkakamali ay siya yung Viniel.
"Hi." Maikling bati ni Sam.
Nanahimik nalang ako at pinagkaabalahan ang pagkain. Ramdam ko din ang mga matang nakatingin saamin lalo na at nag-uusap na ang mga kaibigan ko at yung apat.
Kyle's POV
Pagpasok namin sa cafeteria nakita ko kaagad si Zandrea at mga kaibigan niya na nakapila sa counter. Hindi ko napigilan ang mapangiti nung makita ko siya. Inlove na nga yata talaga ako.
"Pre, sila Zandrea oh?" Pasimpleng turo ni Lander.
"Huwag mo na ituro dahil pagpasok palang natin alam kong nakita na niyan." Mapang-asar na sabi ni Viniel.
"Dinig ko nga pala table daw nila yung table natin kahapon." Sabi ni Rai.
"Ha?" Tanong ko.
"Anak ng! Tulala ka nanaman ba, pre?" Pang-aasar ni Rai.
"Tss!" Ungot ko.
"Table nila yung table natin kahapon, yun oh." Sabi niya sabay turo sa table na ginamit namin kahapon.
Nagpunta na ako sa kabilang counter para umorder. Mabilis naman silang nakapagserve nang pagkain kaya hindi ako nagtagal sa mesa. Nung makita kong papalapit na si Zandrea sa mesa nila pumunta agad ako at nung ibababa na niya yung tray ng pagkain niya inunahan ko siyang maglapag.
Nagreklamo siya kaagad nang ilapag ko ang tray sa mesa. Hindi ako magpatinag at naupo sa harapan niya nang maupo siya at hinayaan naman ako. Alam kong asar na asar na siya pero nacu-cute-tan ako sa kanya kapag nagsusungit siya.
Napansin ko din na hindi mapakali ang mga kaibigan niya nang maupo sa table nila. Panay pa ang lingon nila kay Zandrea at halatang gusto nilang magtanong pero hindi nila magawa dahil kaharap nila ako.
"Hi, ladies." Muntik na akong masamid sa sarili kong laway nang magsalita si Viniel.
Napaka-pormal pa nang pagkakasabi niya at ngiting-ngiti. Naupo siya sa kaliwa ko kung saan katabi niya si Sam. Nanghingi na ako kanina nang extrang upuan at hindi naman iyon nakasagabal dahil umisod naman ang mga kaibigan ni Zandrea para mabigyan siya nang space. Hindi din nakaligtas saakin ang pag-irap ni Zandrea dahil sa ginawa nang mga kaibigan niya.
"Kamusta naman? Na-meet niyo na mga prof's niyo?" Tanong ni Viniel.
Umiling naman si Sam. "Lagi ngang wala eh."
"Saamin din eh. Org week na nga pala next week, anong org kayo?" Pang-uusisa niya pa.
Sinabi naman nila kung nong org sila at hindi pala sila pare-parehas nang org na nasalihan sahil transferee nga sila Zandrea ay sila lang ang parehas ang org na nasalihan the rest ay iba-iba na sila.
Hindi naman masamang sumali sa mga org, kung tutuusin ay tutulungan ka pa nga nila sa mga topics na hindi mo maintindihan. Siyempre mamili ka din naman nang org na kaya kang tulungan hindi yung kapag nakasali ka na eh ituturing ka lang na member at hindi bilang pamilya.
"Anong booth ninyo?" Tanong ni Rai.
"Bukas pa ang meeting namin tungkol diyan. Excuse naman daw tayo starting tomorrow dahil nagre-ready din sila para sa orientation nang mga first year kaya busy ang ibang prof.
Hindi halos nakikipag-usap si Zandrea, sasagot lang siya tuwing may itatanong sa kanya at kaagad na nag-ayang bumalik sa room nila nang matapos silang kumain. Hinayaan ko nalang muna dahil mukhang na badtrip ko nga siya kanina kahit wala naman akong ginagawang masama.
Bakit ba ang sungit nun saakin? Wala naman akong ginawa sa kanya except yung paghalik ko sa kanya sa bar eh.
:)
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...