Chapter 50

358 7 0
                                    

ZANDREA'S POV

3 months later...

Tatlong buwan ng nakakalipas nung huli kaming makapunta sa farm nila Kyle. Naikwento ko iyon sa mga kaibigan ko at nung minsang makasama namin yung mga lalaki ay nagkayayaan kaya ang balak namin ay sa bakasyon kami pupunta don para hindi kami mamadali doon dahil wala kaming hahabuling oras at dahil lahat kami ay graduating na ngayong taon pinagbawalan muna kaming bumiyahe ng medyo malayo-layo dahil nga daw baka may mangyari saamin. February na ngayon at busy'ng-busy kaming lahat dahil madami kaming nira-rush sa school. Nairaos naman namin ng maayos ang nagdaang pasko at nakasama ko ang pamilya ko at nung new year naman ay nasa bahay si Kyle at kinaumagahan nun ay nagpunta kami sa bahay nila. Tatlong buwan na ding nanliligaw saakin si Kyle at alam na alam na iyon sa buong campus dahil nga tinotoo niya yung sinabi niya na ipapaalam niyang nililigawan niya ako. Pero hanggang ngayon ay pinipilit ko pa din kay Kyle na samahan akong umakyat sa bundok na gustong-gusto kong akyatin doon malapit sa farm nila pero panay ang tanggi niya at inirarason niya din yung pagiging graduating namin. Tss..

"Woi, hindi mo ba rereplyan si Kyle? Kanina pa text ng text, oh?" Nakasimangot na ipinakita niya saakin ang cellphone ko.

"Hayaan mo siya, buntis!" Pasiring kong sagot sakanya.

"Ano nanaman bang iniuungot mo? Yung sa bundok nanaman ba?" Nakapangalumbaba na tanong niya.

Nagtataka na ba kayo kung sino 'tong buntis na tinatawag ko? Tss.. Sino pa nga ba? Edi si Samantha! Hay nako, minsan lang may nangyari pero nabundat na. Tss.. Tatlong buwan na siyang buntis at nakausap ko na din naman si Viniel kaya okay na kami pero siyempre nagtatampo pa din ako kay Samantha dahil nga hindi niya natupad yung usapan namin na wala munang mag-aasawa saamin hangga't hindi kami nakakagraduate at kung wala kaming ipon at stable na trabaho. Alam na din ng both families nila at siyempre nung una ay nagalit pero siyempre anak pa din naman nila kaya napatawad at natanggap pa din nila. Kaya ngayong wala kaming pasok ay ako ang kinukulit nitong buntis na 'to.

"Hindi ah!" Tanggi ko.

"Sinabi naman niya na tsaka na diba? Pagkatapos ng graduation. Malay mo pagkatapos mismo ng graduation at nakatoga kayong aakyat doon." Tatawa-tawa pang sabi niya.

"Gusto mong manganak na ngayon?" Banta ko sakanya.

"Ito naman hindi na mabiro. Tss.. Sagutin mo na nga kasi si Kyle baka sakaling magbago yang ugali mo kapag nagkalove life ka." At hinampas niya ako sa braso ng nahawakan niyang papel.

"Kung mahal niya talaga ako hindi niya babaguhin ang ugali ko, okay?" Nakasimangot na sagot ko.

"Bahala ka. Baka mauntog yun bigla at manligaw ng iba." Paismid na sabi niya habang iniikot sa daliri niya yung buhok niya.

Mangyayari nga kaya yung sinabi nito? Na isang araw ay tumigil na sa panliligaw si Kyle saakin?

"Woi, natahimik ka, ano? Haha Sinasabi ko na sayo ngayon palang na sagutin mo na siya, best. Magiging busy na siya pagkagraduate diba? Dahil siya na ang hahawak sa company nila." Pangongonsiyensya pa niya saakin dahil sa hindi ko pa sinasagot si Kyle.

Badtrip ka, Samantha. Binigyan mo pa ako ng isa pang iisipin, kainis!

"Maganda nga yung bansag sainyo sa school diba?" Nakangisi pang sabi niya. "Ano na nga ba ulit yun? 'Campus King meets Campus Queen.' Yieh!" Nakangising pang-aasar pa niya.

"Tigil-tigilan mo ako, buntis, ah! Kanina ka pa." Banta ko ulit pero dahil malakas na ang loob nito at alam niyang hindi ko siya kakantiin ay nang-asar pa lalo.

"If i know, mahal mo naman kasi siya, eh, natatakot ka lang na maulit yung nangyari noon. Haler? Its already 2017, move on, move on din." Pang-aasar niya pa din.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon