Chapter 49

304 5 0
                                    

Kyle's POV

Kanina ko lang napagpasyahan na ipasyal siya dito sa farm ng grandparents ko dahil gusto ko din namang makalanghap ng sariwang hangin dahil sa dami ng nangyari at lalong lalo na yung nasaksihan namin kahapon nila Zandrea.

May kasunduan kami noon ng mga kaibigan ko na hangga't hindi kami nakakagraduate at wala kaming matinong trabaho ay titigilan na muna namin ang pakikipagfling. Aaminin ko naman na nung mga panahong iyon ay babaero talaga kami pero puro fling at pero lahat ng iyon ay may dahilan pero ngayong nakilala ko si Zandrea ay nagbago lahat ng iyon at itinuon nalang ang atensyon ko sakanya. Hindi dahil sa nanalo kami noon sa billiards pero dahil sa unang beses na makita ko siya ay tumibok na yung puso ko. Ang OA man pakinggan pero yun ang totoo. Sabi nga nila...

Kung mahal mo ang isang tao hindi ka na magdadalawang isip tungkol sa nararamdaman mo para sakanya..

Napatingin ako sa wrist watch ko at nakita kong pasado alas-dos na. Kaya napagpasyahan ko na siyang ayain sa taniman namin ng mga prutas.

"Tara, may pupuntahan tayo." Anyaya ko sakanya.

"Hindi ba natin lilibutin ito?" Patungkol niya sa bahay.

"Mamaya na, baka gabihin tayo hindi na magandang mamasyal dahil hindi mo na makikita yung paligid mo." Nakangiting sagot ko sakanya.

"Saan naman?" Tanong niya pero nagpaumuna ng maglakad saakin palabas ng bahay.

"Sa mismong farm.. May mga tanim na prutas doon." Sinulyapan ko pa siya bago i-lock yung pinto.

Nakita ko kung paanong kuminang yung mga mata niya dahil sa sinabi ko. At nakita ko nanaman yung nga ngiti niyang ngayon ko lang nakita. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi maalala yung mga ngiti niya kaninang papasok palang kami hanggang sa makarating kami dito. Nakakapanibago yung mga ikinikilos niya ngayon at hindi ko akalain na makikita ko yung sinasabi ni Sam na isang side ni Zandrea, yung side niya na madaldal, makulit at palangiti dahil karaniwang nakikita ko sa kanya ay ang pagiging seryoso niya at ang kasungitan niya.

"Woi," tawag-pansin niya saakin. "Anyare sayo?" Pang-aasar niya na sinabayan pa ng ngiting pang-asar.

Napatingin ako sa ngiti niya at hindi ko maiwasang hindi isipin kung anong lasa ng labi niya. At napangisi nalang ako bigla ng maalala ko yung kalokohan niya kanina kaya hinila ko siya at isinandal sa nakasarang pinto. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya at nakita ko siyang mapalunok ng itukod ko ang mga kamay ko sa gilid ng ulo niya.

"A---anong gagawin mo?" Utal na tanong niya saakin.

"Naalala ko lang yung kalokohang ginawa mo kanina," nakangising sagot ko. "Kung kanina, pinaasa mo ako, ngayon hindi na." Kinindatan ko pa siya at nung akma siyang magsasalita ay siya namang pagsugod ko ng halik sa kanya.

Naramdaman ko yung kamay niyang nasa dibdib ko at at halos maduling ako sa pagtitig sakanya dahil hindi pa din siya nakakarekober sa pagkabigla. At nung ipikit niya ang mga mata niya ay siya ding pagpikit ko ng mga mata ko at marahan na sinipsip ang ibabang labi niya. Hindi naman siya tumanggi at naramdaman ko nalang na dumausdos yung mga kamay niya paibaba at humawak siya sa laylayan ng polo shirt na suot ko. Hindi man bago saakin pero nabigla pa din ako sa pagtugon niya sa halik ko at sinabayan pa niya ang marahan kong paghalik sa ibaba at itaas niyang labi. Napagpasyahan kong putulin na ang halik dahil baka kapag tumagal pa ay hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at baka kung ano pang magawa kong hindi niya magustuhan.

"Your taste is like a chocolate in my sundae." Nakangiting pang-aasar ko sakanya.

"Tss." Ungot niya at itinulak ako. "Tara na nga. Don tayo pumunta taniman niyo ng prutas baka mas matamis mga prutas don." Sigaw pa niya habang naglalakad palabas.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon