ZANDREA'S POV
Ano bang nakain ng taong ito at nagpunta dito sa bahay ng ganitong oras? Gabi na ah? May pasok pa nga bukas at imbes na mag-aral gumagala pa. Alam kaya ng magulang nito na umaalis 'to ng ganitong oras?
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya nung makalapit ako.
"Binibisita ka. Good Evening." sagot niya tsaka iniabot yung bouquet, chocolates at paper bag.
"Ano 'to?" Tanong ko na itinaas pa yung paper bag.
"Open it." sagot niya habang nakangiti.
Binuksan ko yung paper bag at nakita kong stuff toy yung laman.
What the? How come na alam niyang gusto ko nito? Stuff toy lang naman na baboy. Ang cute lang kasi nila.
"Thanks." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Akala ko hindi mo magugustuhan." Sabi niya habang matamang nakatitig saakin.
"Paano mo nasabi yan?" Nakangiting tanong ko. "Tsaka paano mo nalaman na gusto ko nito?"
"Nakita ko kasi na panay ang like mo sa mga piggy stuff toys sa facebook kaya naisipan kong maghanap nyan tapos ibigay sayo." Napataas ang isang kilay ko dahil doon.
Hindi ko akalain na mapapansin pa niya ang pag-like ko sa mga iyon.
"Kaya pala." Iyon lang ang naisagot ko.
"Kaso, iisa lang yan eh." sabi ni Kyle na nagkamot pa ng ulo.
"Okey lang. Atleast mayroon na ako nito."
Balak ko nga sanang ayain si Sam para maghanap ng ganito sa SM. Pero dahil meron na maghahanap nalang ako ng pair niya tsaka mga magiging piglets. Nakita ko kasi sa internet na may ganoon, para happy family!
"Actually, may asawa yan." sabi niya tapos napatingin ako sa kanya at napangiti.
"Nasaan na? Akala ko ba iisa lang 'to?" Nagtatakang tanong ko.
"Akala ko kasi ayaw mo ng babaeng baboy kaya yang lalaki nalang ang binigay ko." sagot niya at napanguso ako.
Mag-asawa pala buti pumayag yung pinagbilhan niya na isa lang ang bilhin? Siraulo din yung nagbenta.
"Sino naman nagsabi sayo na ayoko ng babaeng baboy?" Nakangiti ko pa din na tanong.
"Wala naman, naisip ko lang." sagot niya tsaka tumitig saakin.
Tumango nalang ako sa kanya. "Nga pala, what brought you here?" Tanong ko makaraan ang ilang minuto.
"Pinapauwi mo na ba ako? Nakakaistorbo ba ako?" Tanong niya na ikinabigla ko.
"H-hindi ah. Nagtatanong lang naman ako kasi syempre gabi na tapos may pasok bukas. Alam ba ng parents mo na nandito ka?" Sunod-sunod na tanong ko at sana lang sagutin niya lahat.
"Alam nila." Maikling sagot niya. "Dumaan lang talaga ako para dalhin sayo yang mga yan." sakto namang dating nung pinakuha kong meryenda ni Kyle.
"Meryenda ka muna." anyaya ko sa kanya na iminuwestra pa ang meryenda sa center table.
"Thank you." Ngimi nalang akong ngumiti sa kanya.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko dahil baka hindi pa siya kumain.
Sinulyapan niya ako saglit dahil inililibot niya ang paningin sa sala namin. "Oo, kanina bago ako pumunta dito."
"Akala ko kasi hindi pa kung nagkataon baka malipasan ka ng gutom." Nag-aalangan kong sambit.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...