FEEL FREE TO READ MY STORIES. 📖
√ CAMPUS KING MEETS CAMPUS QUEEN.
√ I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BROTHER.
√ LOVE ME IF YOU DARE.
√ I STILL LOVE YOU.
DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS. 😊
THIRD PERSON'S POV
Nasa delivery room si Sam at hinihintay na matapos ang pagtatahi sakanya. Halos mamura niya ang OB niya sa isip sa tuwing itutusok nito ang karayom dahil may konting kirot siyang nararamdaman. Ang alam niya ay tinusukan siya ng anesthesia kaya nagtataka siya ngayon kung bakit may konting kirot siyang nararamdaman.
Nandoon din sa delivery room si Dein ng mabalitaan niyang manganganak na si Sam. May patient din kasi siyang pinuntahan sa hospital at doon nanganak pero ni-request na si Dein ang magpaanak dito dahil siya ang OB niya.
"Ang gwapo-gwapo mo namang baby." sambit ng nurse sa baby na mahimbing ang tulog.
Dahan-dahan niya itong binuhat at ng akmang lalabas ang nurse ay nagsalita si Dein.
"Saan mo dadalhin ang anak ko?" tanong niya.
Napakurap naman ang nurse sa tanong niya. "Ah, ipupunta ko na po sa kwarto ninyo, Ma'am." sagot nito.
Nangunot ang noo ni Sam. "Siguraduhin mo lang na hindi siya maipapalit sa iba, at doon mo sa asawa ko ibigay, nasa labas lang naman siya. Dahil kapag nalaman ko na hindi mo siya ibinigay sa asawa ko yari ka saakin." banta pa nito.
Mukha namang hindi natakot ang nurse kaya nagsalita ulit si Sam.
"Girlfriend ng may-ari ng hospital na ito ang best friend ko. Kaya kapag naipalit ang anak ko, maghanap ka na ng ibang mapagtatrabahuan." sambit niya at kung hindi pa ito matatakot ay sasabihin na niyang anak siya ng may-ari.
Napalunok naman ang nurse at kilala niya ang tinutukoy nito, si Kyle Lim iyon.
"Si---sige po, Ma'am. Makakaasa po kayo." sagot nito at tuluyan ng lumabas.
Nagtungo sa nursery room ang nurse at doon nalamang hinintay si Viniel. Ayaw naman niyang ihatid nalang doon sa taas dahil baka masisante nga talaga siya dahil mukhang seryoso pa naman si Sam sa banta nito.
"Oh, bakit hindi mo pa dalhin sa kwarto nila Nurse Sacramento?" tanong ng kapwa niya nurse.
"Dito ko nalang hihintayin si Mister Zamora. Nakakatakot pala asawa nun." sagot niya.
"Ano ka ba, kapapanganak palang niya hindi ka niya masasabunutan." natatawa pang sambit ni Nurse Cerenzo.
"Bruha! Kahit nga yata kapapanganak niyon ay kaya niyang tumayo para lang subunutan ako." Natatawa nalang din na sagot niya.
Nagpaalam na pupunta saglit sa cr si Nurse Cerenzo kaya naiwan siyang mag-isa sa nursery. Natanaw niya naman kaagad si Mister Zamora kaya lumabas na siya at binuhat ang baby na natutulog pa din.
"Ang gwapo ng anak ninyo, Sir." sambit pa niya ng makalabas.
Ngumiti naman si Viniel. "Siyempre mana sa tatay." natawa pa ito sa sinabi.
"Walang duda, Sir."
Akma niyang iaabot ang baby sakanya ng umiling ito.
"Pwede bang ikaw nalang ang maghatid sakanya sa itaas?" pakiusap nito sa nurse.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...