Rai's POV
Nakaupo ako sa sala ng bahay ko at hinihintay nalang ang hudyat ni Kyle para sa pagpunta namin sa bahay nila Zandrea ng mag-ring ang phone ko na nasa center table lang. Hindi na ako nagulat ng makitang pangalan ni Kyle ang nakaregister doon dahil may usapan naman na kami na magtetext o tatawag siya kapag pupunta na kami pero ang hindi ko inaasahan ay ang tatanungin niya.
"Hello? On the way ka na---" he cut me off.
"Rai," malakas na sabi niya at bahagya ko namang nailayo yung cellphone ko sa tainga ko.
King ina naman, Kyle! Mababasag ang eardrums ko sayo.
"Nagtext ba sayo si Viniel?" Tanong niya nung hindi ako makasagot.
"Hindi, bakit naman sana siya magtetext saakin, eh, nandito nga siya sa bahay niya." Naguguluhan ng tanong ko dahil nakita ko yung sasakyan niya doon kagabi.
Minsan hindi ko din maintindihan ang ugali ng lalaking 'to, eh.
"Sige, pre. Papunta na kami." Mas lalo akong naguluhan dahil sa sagot niya at nung tatanungin ko siya ay sakto namang ibinaba niya yung tawag. Wow, great! Binabaan lang naman ako, bastos ka, Lim! Tss.
Pero, teka! Kami? Sinong kasama niya? Baka naman ang ibig niyang sabihin ay papunta na sila kila Zandrea? Pero bakit hinahanap niya si Viniel?
Lumabas ako ng bahay ko para silipin kung paalis na din ba yung dalawang kumag na don din pala sa mga bahay nila nagsiuwi. Tanging si Kyle lang ang hindi umuwi sa sariling bahay niya. At nung makita kong hindi pa naman sila umaalis ay pinuntahan ko nalang si Lander dahil namataan ko siyang papalabas din ng bahay niya. At sabay sabay pa kaming napatingin sa paparating na sasakyan. Nagsalubong ang kilay ko ng dahil don.
"Bakit nandito yan?" Takang-tanong ko.
"Hindi mo alam, ha? Seryoso ka?" Pabalang na tanong ni Lander nung madaanan niya ako at nagderetsong naglakad papunta sa bahay ni Viniel.
Nagpark si Kyle sa mismong gate ni Viniel at mabilis na umibis ng sasakyan niya at pumasok. Nagulat na nga lang akong makitang lumabas si Zandrea mula sa passenger's seat.
"Rai," tawag saakin ni Zandrea na siyang ikinalingon ko. "Trespassing 'tong ginagawa natin."
Putsa! Muntik na kong mapabunghalit ng tawa dahil sa sinabi niya.
Dahil hindi ko napigilan ay mahina akong natawa pero pinigilan ko pa din iyon ng samaan niya ako ng tingin. "Galit na galit na yung boyfriend mo pero naisip mo pa yan. Don't worry, bahay naman ni Viniel 'to. Tara!" Hinila ko siya papasok ng bahay para malaman kung ano ba talagang nangyayari.
"Woi, anong boyfriend ka diyan? Hindi ko pa siya boyfriend!" Mahina niyang sabi habang hila ko siya papasok.
"Hindi pa!" Pagdidiin ko. "Darating din kayo don kaya huwag ka ng tumanggi." Napangiti ako ng lihim dahil sa pang-aasar ko.
Napatigil nalang ako sa paglalakad nung hilain niya yung kamay niya at ambaan ako ng suntok. Grabe talaga! Amasona! Aasarin ko pa sana siya ng makarinig kami ng malakas na pagsara ng pinto mula sa taas at gulat kaming mapatingin doon kaya sumunod ako kay Zandrea nung umakyat siya at kitang-kita ang galit sa mukha ni Kyle.
"Ano bang nangyayari? Kanina lang hinahanap namin sila Sam ngayon naman galit na galit yan? Anyare?" Hindi nakatiis na tanong ni Zandrea.
Kung alam ko lang siguro nasagot na kita kanina pa. Tss.
"Wala siya dito." Galit na sigaw ni Kyle mula sa dulong kwarto.
"Pero nandiyan yung kotse niya." Sagot ko na itinuro pa yung sasakyan niya sa labas.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...