FEEL FREE TO READ MY STORIES. 📖
√ CAMPUS KING MEETS CAMPUS QUEEN.
√ I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BROTHER.
√ LOVE ME IF YOU DARE.
√ I STILL LOVE YOU.
DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS. 😊
RAI'S POV
Lahat kaming magkakaibigan ay pawang naghihintay na magising si Kyle. Sabi ng doctor na siyang nakaassign sa kanya ay nasa state of coma si Kyle. Nagkahead trauma siya nung araw ng aksidente dahil na din sa lakas ng impact ng pagkakabangga niya. Hanggang ngayon ay hindi pa din namin alam kung bakit umalis nalang bigla si Zandrea. Its been 5 months at wala pa din ipinapakitang sign si Kyle kung kailan siya magigising. Halos araw-araw naming nakikita si Tita na umiiyak tuwing kinakausap si Kyle.
Sino ba naman ang hindi diba? Nag-iisang anak na lalaki niya si Kyle.
"Sir," Natinag kami sa pagtawag ng isa sa mga binayaran namin para hanapin si Zandrea, wala kasi siya dito sa pilipinas nalaman namin iyon sa isang kaibigan ni Viniel na may-ari ng airlines.
Nalaman nalang namin na lumipad siya patungong US at kailangan pa namin ng abiso para malaman kung umalis din ba siya sa bansang iyon kaya medyo natagalan kami. Lahat kaming magkakaibigan ay nagtulong-tulong para mahanap siya.
"Ano ng balita?" Kaagad naming tanong at sinigurado muna namin na hindi maririnig ng pamilya ni Kyle ang tungkol dito.
Ramdam ko kasi ang galit ni Ate Bree kay Zandrea dahil ng minsan na mabanggit namin ito ay nagalit siya at pinalabas kami sa kwarto ni Kyle.
May iniabot siyang mga papeles saamin. "Umalis na daw po siya kaagad ng new york, sir." Sagot nito.
Inisa-isa ko ang mga papel na hawak ko at may ilang litrato doon na kuha mula sa cctv. Una ay hindi mo makikilala kung sino iyon dahil nakatalikod at ang iba ay nakatagilid pa. Pero ng papasok na siya ay inalis na nito ang sumbrero at kitang-kita ang mukha ni Zandrea.
"Hindi ba pwedeng magreport ka kapag nahanap niyo na talaga siya?" May halong inis sa boses ko.
Napalunok siya. "Yun nga po ang problema, sir. Ayaw kaming payagan ng immigration na makapasok sa bansang nilipatan niya dahil naka-ban ang sinumang pwedeng pumasok doon. " Humigpitt ang hawak ko sa papel dahil sa inis.
"Bakit si Zandrea nakapasok doon? Can you explain me that?" Tanong ni Viniel.
"Sir, may working visa po si Miss Monte Villa doon." Sagot nito.
"Umalis na ba siya sa airlines na pinagtatrabahuan niya dati?" Tanong din ni Lander.
Tumango si Viniel. "Nagresign siya doon isang linggo bago siya umalis sa bahay ni Kyle."
"Pero bakit? Ang hirap naman mangapa lalo na at wala tayong alam na pinag-awayan nila tapos si Kyle ganyan pa." Frustrated na sambit ni Lander.
"Kung kinakailangan manguha kayo ng working visa doon, gawin ninyo. Magbabayad ako." Sambit ko nalang bago ko siya paalisin.
Nalukot ko ang mga papeles na hawak ko ng maupo ako sa bench na nandoon.
"Viniel, hindi mo ba pwedeng puntahan yung immigration doon?" Tanong ko.
"Susubukan ko. Pero hindi ako sigurado, alam mo namang naka-ban ang pilipinas ngayon doon diba?" Yun ang isa sa mga problema namin.
Kahit gaano ka kayaman o makapangyarihan kung hindi ka nila papayagan, walang silbi iyon. Ang presidente lang yata ang papayagan na makapasok doon at siyempre ang may mga entry visa na nagtatrabaho doon.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Genç KurguZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...