FEEL FREE TO READ MY STORIES. 📖
√ CAMPUS KING MEETS CAMPUS QUEEN.
√ I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BROTHER.
√ LOVE ME IF YOU DARE.
√ I STILL LOVE YOU.
ZANDREA'S POV
Nagising ako dahil naramdaman ko ang mga matang nakatitig saakin. Nabungaran ko si Kyle na nakadungaw saakin. Inaantok akong naupo sa kama at naalala ang nangyari kanina, ramdam ko tuloy ang pag-init ng pisngi ko. Alam kong sobrang pulang-pula na ng pisngi ko o ng buong mukha ko ngayon. Naupo naman siya at sumandal sa headboard, maya-maya ay hinila niya ako at inihiga sa dibdib niya dahil bahagya siyang nakasandal sa headboard.
Bumuntong-hininga ako. "A---anong oras na?" utal kong tanong ng hindi umaalis sa pagkakahiga sa dibdib niya.
Ayoko siyang tignan dahil nahihiya ako sa nangyari kanina. Bakit ba naisip kong pumayag na gawin niya iyon? Ngayon tuloy ay halos ayoko siyang tignan dahil sa kahihiyan.
"11:30 na." sagot niya.
Umalis ako sa pagkakahiga sa dibdib niya at nilakasan ang loob na tignan siya. Tinaasan ko pa siya ng kilay. "Nakagayak ka na ba?" tanong ko at tinignan ang suot niyang nagusot na at bukas ang botones hanggang dibdib.
Napaiwas ako ng tingin at pasimple siyang tinignan sa mata at nakita kong nakatingin na siya saakin, hindi din nakaligtas saakin ang pagngisi niya kaya hinampas ko siya sa bandang tiyan ng likod ng palad ko. Napadaing naman siya dahil talagang nilakasan ko ang paghampas doon. Akma akong babangon ng makitang nasa ayos na ang suot ko. Lalo tuloy akong nahiya. Bigla niya akong hinila sa braso kaya hindi ako naka-balance at bumagsak ako sa ibabaw niya at tawang-tawa naman siya.
"Kyle, ano ba!" reklamo ko.
Niyakap niya lang ako ng mahigpit kaya idinantay ko ang mukha ko sa dibdib niya. Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
"I can wait, babe. But you are mine now, always remember that." dinig ko pang sambit niya. "I am selfish when it comes to you. What ever happened to us I did not regret doing that. It is not lust but love." dagdag pa niya at hinalikan ako sa tuktok ng ulo.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga sinasabi niya. Hinaplos niya yung pisngi ko at hinawakan ang baba ko tsaka marahang itinaas iyon para magkatinginan kami. Ngumiti siya ilang saglit matapos akong titigan.
Dinampian niya ng halik ang labi ko at iningusan ko naman siya. "Lasang alak," reklamo ko at kunwari ay inamoy siya, ginawa ko iyon upang maibsan ang hiya ko. "Amoy alak pa." tinakpan ko ang ilong ko matapos sabihin iyon.
Natawa naman siya. "Nakainom ako." pag-amin niya.
"Kaya siguro manyak ka na ngayon." hindi ko alam na nasabi ko pala iyon, dapat ay sa isip ko lang iyon pero nasabi ko na siyang ikinalunok at ikinaiwas ko ng tingin.
Tatawa-tawa naman siya at hindi man lang nagprotesta. "Dala ng alak." sang-ayon din niya.
Hinampas ko siya sa dibdib pero ang hudyo, tinawanan lang ako. "Makakapagmaneho ka ba ng maayos niyan eh, nakainom ka?" tanong ko at tumango naman siya.
"Konti lang naman yung nainom ko."sagot niya kasabay ng pag-doorbell.
Nangunot yung noo niya at umayos naman ako ng upo at tinignan siya habang papatayo ng kama. "May bisita ka?" tanong ko ng maglakad siya palabas.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...