KYLE'S POV
On the way kami papuntang SM dahil sumama kami kila Zandrea. Hindi ko na nga halos pinakinggan yung pinag-uusapan nila. Natuon lang ang atensiyon ko kay Zandrea na seryoso at malayo ang tingin kanina. Pagkadating namin sa parking lot ng SM bumaba na ako ng kotse ko at sakto namang lapit nung tatlo.
Hinanap namin kung saan nag-park sila Sam at kaagad naman namin silang nakita. Dalawang sasakyan lang ang dala nila dahil si Zandrea nga ay grounded. Hindi din naman kalayuan saamin kung saan sila nag-park mas malapit lang kami sa entrance nang mall at sila naman ay nasa bandang entrance nang parking.
"Oh nandito din kayo?" Tanong ni Yanah.
"Nakita kasi namin sila kanina kaya sumama na kami wala naman kaming klase." Sagot ni Lander na tumingin pa kila Zandrea nung sinabi niyang nakita namin sila.
"So, saan tayo?" Tanong ni Miko, yung nakausap namin kanina.
"Tingin tayo kung ano magandang panoorin?" Suhestyon ni Yexa.
"Tss! Boring." Sabi ni Zandrea.
"Grabe ka 'teh ah! Anong boring don?" Nakataas ang kilay na sagot nung Venice.
"Quantum nalang tayo." Suhestyon ni Sam.
"Sige na nga. Wala talagang makakatalo sa desisyon nitong babaeng 'to eh." Sabi ni Venice.
"Next time nalang kasi tayo magsine." Biglang sabi ni Zandrea kay Venice.
"Kelan? Kapag may boyfriend na kayo lahat?" Nakangiting tanong niya.
"Kailangan ba talagang magkaboyfriend kami para lang manood ng sine?" Tanong niya kay Venice.
"Hindi." Nakangiwing sagot ni Venice.
"Yun naman pala eh. Basta next time, okay? Tsaka pangit ang showing ngayon oh." Sabi ni Zandrea sabay turo sa list ng mga pwedeng panoorin na nakalagay sa entrance ng SM.
"Pangit nga." Biglang sabi ni Venice. "Pero hintayin natin saglit si Alex ha?" Alex? Siguro yung boyfriend niya.
"Nasaan na ba?" Tanong ni Sam.
"Malapit na yun." Nakangiting sagot ni Venice. "Ayun na pala oh." Dagdag pa niya at napatingin naman kami sa tinuro niya.
Boyfriend niya yun? Ngayon ko lang nalaman.
"Hi. Sorry pinaghintay ko kayo." Sabi nung lalaki nung makalapit siya saamin.
"Okey lang, nga pala mga kaibigan ko. Austin, Miko, Yexa, Zandrea, Yanah at Sam." Pagpapakilala ni Venice tsaka tinuro isa-isa yung mga kaibigan niya at nakipag-kamay.
"Nice meeting you, Alex." Sabi nila habang nakikipagkamay.
"Nice meeting you too." Sagot naman ni Alex.
"Oo nga pala. May kasama pa kami. Mga kaibigan na din namin." Sabi pa ni Venice sabay turo samin.
Napatingin naman si Alex sakin. "Oy! Pre, long time no see." Sabi ni Alex sakin.
Yeah! Magkakilala kami, nakalaban kasi namin sila sa basketball dati at siya ang captain nang school na pinapasukan niya ngayon at nagkasabay kami sa exam.
"Long time no see, pre." Sagot ko din.
"Magkakilala kayo?" Tanong nila.
Tumango lang ako sa kanila.
"Diba nga siya ang captain niyo dati? Ilang beses na kaming nagkalaban sa court kaya siyempre magkakilala na kami. Tsaka nagkasama kami nung nanguha nang exam sa WIS, unfortunately hindi ako tumuloy doon." Sagot ni Alex.
"Kaya pala." Tumatangong sabi ni Venice.
Ipinakilala ko ang mga kaibigan ko sa kanya at nakipagkamay naman silang lahat.
"Kayo pala yung madalas na i-kwento saakin nito ni Kyle." Biglang sabi ni Alex.
"Ano kinukwento niya? Baka puro kalokohan?" Tumatawang tanong ni Lander.
"Hindi naman. Nakwento niya lang na mahilig kayo sa chicks." Tumatawang sagot naman ni Alex.
Ibubuko pa ko. Tss! Puro kalokohan talaga kinuwento ko sa kanya. Hahaha
"Langya naman, Lim oh. Baka kung ano isipin saatin ng mga kasama natin dito ah." Sabi ni Rai na mahinang sinuntok pa ako sa braso.
"Eh sa totoo namang mahilig kayo sa chicks eh." Pang-aasar ko.
"Anong kayo?! Hoy! Pati ikaw Lim." Pandadamay saakin ni Viniel.
"Idamay mo pa ako ah!" Ngingisi-ngising sambit ko.
Nagkwentuhan lang sila about sa dalawang magkaibigan at nagtuloy naman kami sa pagpasok sa SM. Pagpasok palang namin hindi nanaman magkamayaw sa katitingin ang mga babae samin at may mga kalalakihan din namang tumitingin. Hindi na namin sila pinansin dahil nauuna ng maglakad yung dalawa.
Kakain lang dapat kami kanina pero nakita namin sila Zandrea kaya nilapitan namin, napasama tuloy kami dito sa SM, pero hindi naman ako nagsisi na sumama dahil makakasama ko naman si Zandrea. Hindi pa nga lang kami nakakakain pero aayain ko nalang sila mamaya. Nag-uusap pa kasi sila kung anong uunahin nilang puntahan.
"Ex mo oh." Napalingon ako kay Lander nang sabihin niya iyon at nakita nga namin yung ex ni Rai.
Hindi na nakakapagtaka na may makita kaming ex niya dahil babaero naman na yan dati pa. Grade 5 pa nga lang ay nagka-girlfriend na yan eh. Tumagal naman sila hanggang third year pero nauwi din sa hiwalayan dahil nga babaero ang isang ito. Sabi ko nga ay magbago na dahil baka mamaya mahanap niya yung karma niya. Buti nga at walang nabubuntis yan dati eh! Itatakwil yan ni Tito kapag nagkataon.
Natawa ako nang mapansing dalawang ex niya ang nakita ko. "Oo nga! Nagsisilabasan mga ex mo ngayon ah!" Pinakadiinan ko pa ang isang salita at nilingon naman niya ako, masama na ang tingin.
"Anong mga?" Irita niyang tanong.
Itinuro ko kung nasaan yung isa niyang ex at napahawak pa siya sa sintido. Kahit sino ay sasakit ang ulo kung yung dalawang ex niyang naghahabol pa din sa kanya hanggang ngayon ang makita niya dito. Kapag nakita siya nung dalawa yari siya at paniguradong bad shot siya kay Yexa.
Nagpatuloy kami sa pagsunod kila Zandrea at panay naman ang lingon ni Rai sa paligid. Halatang may pinagtataguan! Tss.
:)
BINABASA MO ANG
Campus King meets Campus Queen - COMPLETED
Teen FictionZandrea Monte Villa, former Campus Queen nang pinapasukang paaralan, maganda, matalino, mabait. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat pero may isang pangyayari sa nakaraan niyang pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit hang...