Chapter 21

300 4 0
                                    

KYLE'S POV

Kinabukasan ay maaga akong pumasok, nandito kami sa room namin at kasalukuyang hinihintay yung prof. Nagpunta sa harapan ang president nang klase nang makumpleto kaming magkaka-blockmates.

"Listen classmates, may announcement lang po ako." Sabi niya.

"Tss.. Announcement nanaman." Reklamo ko.

"Some announcement regarding sa nalalapit na Mister BSBA at doon sa botohan ng mga officer 'to." Paliwanag niya.

"Sige." Sabi ko.

"As I was saying.. Kailangan na nating makabuo ng group natin para sa nalalapit na botohan at don sa nalalapit na BSBA Week natin. Malapit na yun kaya kailangan natin ng double time at participation. So please, cooperate." Panimula niya.

"Sinong isasali niyo?" Tanong nung isa kong classmate.

"Kailangan kasi nung pwedeng ipanlaban talaga sa nalalapit na anniversary ng BEIS. Para naman manalo tayo. Last year kasi natalo tayo kaya gusto ko sana si Kyle ang isali, diba guys?" Sabi ni Pres.

"Tss. Why me?" Ungot ko.

"Eh kasi nga tignan mo ikaw parin ang tinatawag nilang Campus King kahit ilang taon ka ng nawala dito. Kaya ikaw ang gusto kong isali." Pres.

"Oo nga naman, Kyle, ikaw nalang." Sabi nung isa kong classmate.

"Kaya nga, para ikaw din ulit maisali sa Mister BEIS. Panigurado panalo nanaman tayo." Sabi nung isa kong classmate.

"Sige na, pre." Lander

"Sige, sasali ako." Pagsang-ayon ko.

"Sasali din pala eh." Tatawa-tawang sabi ni Rai.

"Oh sige. So, si Kyle na. Paano naman yung sa Miss BSBA natin?" Tanong pa niya ulit Pres.

"Si Sasha nalang." Sigaw nung isa kong classmate na babae.

"Ayoko!" Sagot naman ni Sasha.

"Bakit naman? Sa katunayan nga pwedeng-pwede ka eh." Pres.

"Kahit na, hindi naman sa pinapangunahan ko ha? Pero kapag nanalo ako sa Miss BSBA. Panigurado talo na sa Miss BEIS." Walang kumpiyansang sabi niya.

"Pinapangunahan mo kasi. Huwag ganon." Pres.

"Tss. Syempre Tourism nanaman mananalo don 'no." Sasha

"Paano ka nakakasigurado? Oo, we know na magaganda ang mga tourism pero meron ba sila nito?" Turo ni Pres sa sintido niya.

"Oo nga naman." Sabi nung classmate kong isa.

"Tama!" Sabi nung iba naming classmates.

"Syempre! Grabe, ah! Limot niyo na? Si Zandrea kaya yun. Ang binansagang beauty and brains ng tourism." Pagpapaalala niya.

"Oo nga pala." Sabi ng mga classmates ko nung marealize nila yung sinabi ni Sasha.

"Nakalimutan natin na siya pala." Sabi naman nung isa.

"Pero dinig kong usap-usapan na baka si Angelica daw ang ilaban nila ngayon." Sabi nung classmate kong babae.

"Hindi nga?" Mga classmates ko.

"Yun kasi ang dinig ko. Kayang-kaya mo yun si Angelica, diba guys?" Pagpapalakas-loob nila.

"Kaya nga, hindi naman pala si Zandrea eh." Sabi pa nung isa.

Kilala naman pala nila si Zandrea?

"Sige pero hindi talaga ako mangangako na mananalo ako ha?" Sasha.

Campus King meets Campus Queen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon